=CHAPTER 32=

4.7K 272 47
                                    

Nathan P. Aveilor POV

Huminga ako ng malalim habang tinititigan ko ng mabuti si Sapphire.

Kailangan kong mag isip ng paraan kung paano ko siya matatalo, dahil hindi siya basta basta at kilala din siya dahil isa din siya sa pinakamalakas na miyembro ng Student Council.

Dapat maging alerto ako.

"Ano? Tititigan mo na lang ba ako diyan? Bakit hindi ka sumugod?" Nakangisi nitong tanong.

Hindi naman ako sumagot sa tanong niya, sa halip ay pinagmasdan ko pa siya ng mabuti. Kumunot naman ang noo nito at taas kilay akong tiningnan.

" Oh come on! Why are you staring at me like that? Do you like me? Sorry but you are not my type." Natatawang sabi nito habang nandidiri akong tinitingnan. 

Napakamot naman ako ng ulo sa sinabi nito.

What's with her? Hindi ko naman siya gusto  eh. Porket tinitingnan lang ng mariin may gusto na agad? Assumera.

Kinunutan ko lang siya ng noo at marahang umiling.

"No. I don't like you." Mahinhin kong saad at umiwas ng tingin sa kanya. Bakit ko naman siya magugustuhan? Eh halatang mayabang. At wala din akong balak na magka- gusto sa kanya.

"Really? Then I'm relieved. Ayokong may pangit na nagkakagusto sa akin." Nakangisi nitong saad..

Hmm? Bakit ano bang tingin niya sa sarili niya maganda siya? Eh hindi naman siya maganda eh.

Maputi lang naman siya.

Itinaas naman nito ng hawak niya katan at ngumisi ng nakakatakot sa akin.

"Shall we start?" Tanong nito at basta na lang biglang sumugod. Nanlaki ang mata ko at bahagyang nataranta dahil hindi pa ako medyo handa.

Hindi ko inaasahan na susugod agad siya.

Hindi ko namalayan na mabilis na pala siyang nakalapit sa akin kaya nadaplisan ako sa pisnge ng huli na ako bago pa makaiwas.

Napaatras naman ako ngunit hindi ko inaasahan na susugudin niya ulit ako ng katana kaya buti na lang nakaiwas kaagad ako dahil kung hindi nawalan na siguro ako ng hininga ngayon dahil muntik na niya akong matamaan sa lalamunan.

Napangisi naman siya habang tinitingnan ako.

Naramdaman ko ang pagdaloy ng dugo mula sa aking pisnge pababa sa aking leeg.

"What's with you? You're totally weak huh? Bakit ka pa sumali dito mukhang mabilis ka lang naman matatalo?" Pangaasar nito sa akin.

Hindi ko din alam kung bakit nandito ako. Kung bakit kasali ako dito. Ang totoo kasi niyan bigla na lang may nagsali sa akin dito. May bigla na lang nagpadala sa akin ng letter noong araw na pumunta si Mariane sa Cafeteria at nagkaroon ng gulo sa pagitan ng leader ng Eagle Association. Bigla na lang may kumatok sa dorm namin noong araw na yun at binigay sa akin ang letter na nagpapatunay na sumali ako sa Battle Ranking kahit hindi naman.

Hindi ko na din sinabi kay Mariane ang tungkol doon, kaya sinabi ko na lang na kusa akong sumali. Wala naman akong ideya kung sino ang nagsali sa akin.

"Natahimik ka ata? Bakit totoo naman hindi ba?" Nabalik ako sa ulirat ng marinig kong nag salita si Sapphire.

Sinamaan ko siya ng tingin dahil sa sinabi nito.

"Hindi ako mahina." Mariin kong sabi ngunit may halong galit sa aking tono ng pananalita. Nainsulto ako sa sinabi niya. Sanay naman na akong sinasabihan ng mahina kahit na sa Montemayor University pa ako dati dahil hindi ko naman sila pinapatulan. Tinitiis ko yung mga pangungutya nila sa akin kahit gustong gusto ko na silang patulan. Pero iba na ngayon. Dahil dito hindi ako pwedeng maging mahina dahil mas doble pa ang sasapitin ko dito kaysa sa dati kong eskwelahan kung hahayaan ko lang sila.

SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon