Mariane POV
Napaatras ako ng tumingin ang tatlong magkakapatid sa direksyon ko.
Bahagyang nanlaki ang mata ko ng maamo silang tumingin sa akin.
Bat sila ganyan makatingin sa akin?
"Mariane." Malambing na saad ni Marcus, ang pangalawa sa magkakapatid.
Lumapit ito sa akin at magaan akong niyakap.
Natuod ako sa aking kinatatayuan ng yakapin ako nito ng mahigpit at isiniksik sa aking leeg ang mukha nito.
T-teka lang, bat ganito inaakto ni Marcus?
Sunod namang lumapit sa akin si Maxwell, ang pangatlo sa aming magkakapatid.
"Don't you miss us Mariane?" Malambing na saad ni Maxwell.
Hinaplos nito ang aking buhok habang nakayakap pa rin sa akin si Marcus na hindi ko tinugunan.
Pilit ko pa rin pinoproseso sa utak ko kung bat nandito agad sila at bakit ganito ang pakikitungo nila sa akin.
Hindi ganito ang nasa novel.
Ang nasa kwento kasi hindi nila binibigyan ng pansin si Mariane. Kay Camille lang nakatuon ang atensyon nila, kaya parang walang kapatid si Mariane.
Ultimo pangungumusta kay Mariane hindi nila magawa.
Kaya bakit ganito?
Lalo na itong si Marcus na hanggang ngayon ay nakayakap pa rin sa akin.
Bakit parang ang clingy niya? Kahit na may mga nakatingin sa amin, hindi niya iyon binibigyan ng pansin.
Ito kasing si Marcus isip bata ito minsan pero kay Camille lang, tapos kay Mariane malamig ang pakikitungo nito kaya bakit ito nakayakap sa akin.
Alam kong minsan sinto sinto ang lalaking ito at maloko pero... ay ewan.
Ito naman si Maxwell base sa novel, loko loko ang lalaking to. Wala ring modo. Puro kamanyakan ang nasa isip.
Minsan mukhang mapagkakatiwalaan at minsan hindi. Pabago bago din ang mood nito.
Hindi rin madaling mabasa kung anong nasa isip nito. Basta siya yung tipo ng tao na hindi masyadong seryoso sa buhay.
At ang panganay naman ay si Maverick. Itong lalaki na ito ang pinaka- nakakatakot sa magkakapatid.
Kasi naman sa mga nababasa ko tungkol sa kanya napaka strikto niya. Masyado ding matured.
At isa pa, napaka- manipulator niya.
Totoo yun, marunong siyang mag- manipula. Kaya nakakatakot kung kakalabanin ang lalaking ito.
Nataranta ako ng makitang papunta din sa Direksyon ko si Maverick.
Aalis na sana ako mula sa pagkakayakap sa akin ni Marcus nang mas lalo lang niya itong hinigpitan na parang ayaw akong pakawalan.
Huli na nang makalapit na sa amin si Maverick.
"Mariane....How are you?" Malamyos nitong sabi na nagpa- awang ng labi ko.
P*tek! Tama ba yung narinig ko mula sa kanya?
Hindi ako nakasagot sa tanong nito at natulala lang.
Itong manipulator na to, kinamusta ako?
Teka nananaginip ba ako.
Okay lang kung itong si Marcus at Maxwell ang kakamusta sa akin, slight lang akong magugulat.
BINABASA MO ANG
SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVEL
FantasyReincarnated in another world is not easy. Like Arianne Damon Fuarez. She's just a normal teenager na bigla na lang na- aksidente at napunta sa kabilang mundo. Sa loob ng sikat na nobela. Mariane Rose Travis, a popular Villainess in a popular novel...