=CHAPTER 7: WEIRD=

5.6K 272 53
                                    


Mariane POV

Hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga dahil sa nangyari kanina.

Nandito ako ngayon sa kwarto ni Mariane, pagkatapos kasi nung nangyari kanina, dumiresto na akong umuwi kahit hindi pa uwian.

hindi ko din napuntahan si Nathan kanina, sinabi ko kasi kanina sa kanya na magkita na lang kami sa classroom.

pero hindi ko na siya napuntahan.

hihingi na lang ako ng tawad bukas.

Napakamot ako ng leeg dahil sa inis, muntik ko ng mapatay si Jamie kanina, pero hindi man lang ako nakaramdam ng awa.

naiinis din ako dahil sa sinabi niya kanina kaya hindi ko maiwasang hindi sumabog sa galit.

Sa totoo lang mabait ang Mommy ni Mariane, maalaga ito, at sobrang mahal na mahal niya si Mariane.

Paano ko nalaman yun?

dahil nung time na pagkatapos ipakilala ng daddy ni Mariane yung sarili ko, sumakit ang ulo ko na para bang binibiyak, hanggan sa nakita ko yung memory niya.

pero hindi lahat, dahil ang nagpakita lang naman ay yung mga taong nakapaligid sa kanya, hindi  rin pinakita sa memorya ni Mariane kung anong klaseng ugali talaga siya at kung ano ang mga nasa isip niya.

Weird right.

pero hindi ko na aalahanin yun. pero may problema.

I'm sure  they're wondering about my actions before,  dahil ngayon lang nila nakitang magalit si Mariane ng ganoon.

inis nanaman akong napakamot sa leeg. basta naiinis lang ako. hindi ko alam kung anong gagawin ko bukas, at baka magsumbong sila sa ginawa ko.

anong gagawin ko, baka makarating yun sa daddy ni Mariane.

I just sighed again because of the problem I was facing.

Napatingin ako sa pinto ng may Kumatok.

"PASOK.." sigaw ko

bumukas ang pinto at iniluwa nun si Emma. siya yung babaeng sumalubong sa akin kahapon, at nagtanong kung bakit basa ako.

She's Emma Lander, my personal maid. Sa pagkaalala ko she's 29 yrs. old and bisexual.

Yeah, tama ang pagkakabasa mo, isa siyang bisexual.

Sa pagkaalala ko rin may girlfriend din siya dito sa mansyon, same maid rin.

"Uhmm bakit emma?" tanong ko.

" Uhmm nandito na po ang daddy niyo, at pinapatawag na rin po kayo." sabi nito.

Nandito na pala siya. tumango naman ako sa kanya at sinabing susunod na lang ako.

ramdam kong lumabas na siya kaya, tumayo na ako at nagpalit na ng damit.

hindi pa kasi ako nag bibihis, tinamaan nanaman ako ng katamaran ko.

kahit naman sa dati kong buhay, madalas talaga ako tinatamaan ng katamaran, kaya minsan naiinis sa akin si mama.

speaking of my mother, kumusta na kaya siya, sana ayos lang siya at sana rin inaalagaan siya ni kuya.

hindi ko alam pero nakaramdam ako ng lungkot, sa t'wing iisipin ko na hindi ko kasama si Mama at kuya nalulungkot ako, dahil parang hindi ko na sila makakasama.

Miss ko na sila..

Miss ko na rin yung mga plastic kung mga kaibigan.

sa totoo lang puro mga bulok na plastic yung mga kaibigan ko. 

SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon