Mariane POV
Nanatili lang akong nakasandal sa dingding habang tahimik lang na nakatingin sa kanila.
Sh*t kailangan ko na sigurong umalis. Nangangamoy gulo nanaman
"Why are you here?" Malamig na tanong ni Luxurious na alam kung si Hercules ang tinutukoy nito.
"Why? Bawal ba ako dito?" Nang aasar na tanong ni Hercules. Napangiwi ako dahil tulad na tulad talaga si Hercules sa kwento kapag lagi niyang nakikita si Luxurious.
"Yeah." Walang gana saad ni Luxurious. Bahagyang akong umiling dahil sa tipid ni Luxurious magsalita.
"Chill, I'm just here to welcome you at wala nang iba." Nakangiting sabi ni Hercules.
"Then thank you, You may go now." Malamig na sabi ni Luxurious.
Grabe itong si Luxurious, papaalisin agad.
Hindi naman ito pinansin ni Hercules at ngumiti na lang. tiningnan naman nito ang mga kasama ni Luxurious na sila Camille.
"May mga kasama ka pala, By the way who's the beautiful lady beside you?" Tanong nito at tinitigan ng mariin si Camille.
Nanlaki ang mata ko ng marinig ang tanong nito.
Wait, don't tell me nagsisimula na na syang magkagusto kay Camille?
Ang bilis ah.
Ano to, love at first sight.
Sabagay, ganyan din yung nasa kwento eh. Nakagusto agad si Hercules kay Camille. Sa ibang sitwasyon nga lang.
"It's none of your f*cking business Hercules.." Malamig nitong saad.
"Why?Chill ka lang, Tinatanong ko lang naman kung sino siya? Anong masama dun" Nagtatakang tanong ni Hercules.
Anong masama dun? Dahil pag mamay ari na siya ni Luxurious. Gusto ko sanang sumabat at sabihin yan kaso nga lang paniguradong madadamay ako.
Sino ba naman ang hindi gustong sumabat lalo na alam ko yung buonG kwento diba?
Gusto kong sabihin kay Hercules na wala na siyang pag asa kay Camille kaya manahimik na lang siya, kaya lang baka manahimik na rin ako habang buhay eh.
Nagkibit balikat na lang ako at napaisip kung aalis na ba ako o hindi.
Ano ba kasi ang ginagawa ko dito.
Pero hindi ko pa alam yung rason kung bakit ako pinatawag eh.
Napatingin naman ako sa mga Kaibigan ni Camille.
Nangunot ang noo ko at nagtatakang tinginan sila nang maabutan kong titig na titig si Jamie at Addison kay Hercules.
Nanliit ang mata ko dahil sa paraan ng pagtingin nila.
Kahina hinala ang mga ganyang tingin ah.
May halo kasing paghanga at pagnanasa sa paraan ng pagtingin ng dalawa kay Hercules.
Anyare sa dalawang magkaibigan na to?
Bat ko ba pinagtutuunan ng pansin ang dalawang asungot na to.
"You don't need to know Hercules." Napabalik ang tingin ko kay Luxurious ng marinig ko ang malamig nitong tinig.
Hindi naman pinansin ni Hercules ang sinabi ni Luxurious at sa halip ay nilapitan si Camille.
"What's your name my lady?" Mapaglaro nitong tanong. Kumunot naman ang noo ko.
Parang may mali sa tono ng pananalita niya.
"I'm C-camille." Nauutal at namumulang saad ni Camille.
"What a beautiful name, like you." Matamis nitong sabi at kinuha ang kanan nitong kamay.
BINABASA MO ANG
SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVEL
FantasyReincarnated in another world is not easy. Like Arianne Damon Fuarez. She's just a normal teenager na bigla na lang na- aksidente at napunta sa kabilang mundo. Sa loob ng sikat na nobela. Mariane Rose Travis, a popular Villainess in a popular novel...