Mariane POV
"Oh, problema mo? bakit nakasimangot ka dyan Nathan?" Pababa na ako ng hagdan ng natanaw ko siya sa sala namin, minsan na siyang pumunta dito sa bahay at kilala na din siya ni daddy.
Atsaka kaya siya nandito para sunduin ako dahil may balak kaming mamasyal bago kami pumasok sa Heavenhell dahil hindi na kami pwedeng lumabas doon kaya susulitin na namin ang araw na toh, wala namang pasok ngayon dahil linggo.
At bukas na kami lilipat.
parang ang bilis ng araw, bukas na agad.
Umupo ako sa harap niya at tumingin sa kanya.
hindi naman ito sumagot at malungkot na tumingin sa akin
.
"May nangyari ba?" nagtatakang tanong ko. Ano ba kasi ang nangyari bakit ang lungkot niya?
umiling naman siya. " Wala lang Nalulungkot lang ako dahil hindi ko na makikita si Mommy." malungkot nitong sabi. Hindi ko maiwasang hindi mapabuntong hininga, nakakalungkot nga.
Naiintindihan ko siya, dahil hindi talaga kami makakalabas ng Heavenhell dahil bawal yon, apat na taon din kami mananatili doon at sa apat na taon na yon hindi niya makikita ang nanay niya.
"Ayos lang yan Nathan, apat na taon lang kayong hindi magkikita, hmm. Kaya wag ka ng malungkot, mag enjoy na lang tayo ngayon at wag mo ng isipin yon." sabi ko.
Mahal na mahal niya talaga yung Mama niya, bigla din akong nakaramdam ng lungkot dahil naalala ko yung Mama ko sa dati kong mundo, kahit na ma-armalite bunganga niya, miss ko na siya.
Tapos miss ko na yung kuya kong feeling gwapo. Sa totoo lang Gwapo naman talaga ang kuya ko medyo slight nga lang. Miss ko na rin yung boses ni kuya kapag kumakanta, parang kinakatay na baboy yung boses non eh. Naiirita ako kapag naririnig ko yung boses niya kapag kumakanta, tapos yung mga nagkakagusto daw sa kanya gandang ganda daw sila sa boses niya. Mga sinungaling, buti hindi pa sila nabibingi
.
Naalala ko nanaman kung paano siya kumanta dati.
=FLASHBACK=
"Nak, kayo muna ang magbantay ng tindahan, mamimili lang ako para madagdagan yung mga tinda natin." sabi ni Mama habang inaayos ang bag na dadalhin niya.
Napatingin naman ako sa mga tinda namin, mini grocery yung tindahan namin dahil malaki ito, nagtataka ko naman tiningnan si mama.
"Eh Ma, ang dami pa nating tinda tapos may mga stock pa don, bakit pa kayo bibili?" nagtatakang tanong ko.
"Magdadagdag ako ng mga paninda natin." napatango naman ako at tumingin sa cellphone ko. Nandito ako sa labas ng tindahan namin habang si mama nandon sa may counter.
BINABASA MO ANG
SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVEL
FantasiReincarnated in another world is not easy. Like Arianne Damon Fuarez. She's just a normal teenager na bigla na lang na- aksidente at napunta sa kabilang mundo. Sa loob ng sikat na nobela. Mariane Rose Travis, a popular Villainess in a popular novel...