=CHAPTER 33=

6.3K 393 167
                                    

Mariane Rose V. Travis POV

Nakuyom ko ang aking kamao habang pabalik sa Arena. Galit na galit na talaga ako.

Nanggigil ako sa galit dahil hindi ko matanggap ang nangyari kay Nathan. Alam kong dapat hindi ako magalit dahil laban naman talaga nila iyon ni Sapphire at dapat wala na akong pakialam pa doon. Pero dahil sa akin kaya nangyari kay Nathan iyon.

Mali rin na dapat sila ang magkalaban ngayong gabi dahil wala pa sa Rank si Nathan kaya bawal na ang isang mataas na Rank na tulad ni Sapphire ang makakalaban ni Nathan.

Halatang sinadya ng babaeng yun. Sinadya niyang idamay si Nathan dahil lang sa ginawa ko sa kaibigan niya. Una pa lang naman talaga yung Violet na yun ang nag pasimuno ng lahat.

Nagsisi tuloy ako na dapat hindi ko na pinatulan pa yung Violet na yun, edi sana hindi to mangyayari kay Nathan. Sana nanahimik na lang ako.

Kailangan kong makausap ang Dean sa nangyari. Tiyak ako na baka may kinalaman siya sa ginawa ni Sapphire.

Pagkarating ko ng Arena dumiretso agad ako sa Dean na nasa harapan lang ng Battle Ring kasama ang mga Student council at sila Luxurious.

Napatingin ako sa Battle ring at napansin na may naglalaban na doon.

Tumingin ako sa Dean ng prente lang itong nakaupo habang nanonood.

Dumiretso ako sa kanya at tumayo sa harapan nito.

Napaangat naman ng tingin sa akin ang Dean kaya umiigting ang panga ko habang nakatingin ng diretso sa kanya.

Mukhang nagtaka naman Dean ng makita ako. Naagaw rin ang atensyon ng mga Student council at sila Luxurious sa akin.

Hinawakan ko ang kwelyo ng Dean at walang pasabing hinila ito palapit sa akin. Kinuwelyuhan ko ito at matalim na tumingin sa kanya.

"What is the meaning of this Ms. Travis?" Natatarantang takang tanong ng Dean habang pilit tinatanggal ang pagkakahawak ko sa kwelyo nito. This man is really getting into my nerves too. Hindi ko din alam kung bakit ako pinatawag nito kanina. Hindi ko na nalaman kung ano ang kailangan nito sa akin.

Kapag talaga may kinalaman ang dean na to sa ginawa ni Sapphire, hindi ko alam kung ano ang magagawa ko sa kanya.

"Anong nangyari hah? Bakit si Sapphire ang naging kalaban ni Nathan? Diba bawal yun? lalo na wala pang rank si Nathan?" Mariin kong sambit sa habang matalim pa rin ang tingin sa kanya.

Napatayo naman ang mga student Council sa ginawa ko pero hindi ko sila binigyan pa ng pansin.

"Ms. Travis, first you need to calm down okay." Pagpapahinahon nito sa akin kaya mas hingpitan ko pa ang pagkakahawak ko sa kwelyo nito.

Mukhang natakot naman ito sa aking ginawa.

Kalma? Mukha ba akong hindi kalmado?

"Mr. Dean hindi mo ba na nakikita na kalmado lang ako kaya sagutin mo ang tanong ko, paanong nangyari yun?" Nagtitimpi kong saad. Yun lang ang tanong ko pero ang tagal sumagot.

Napalunok naman ito, halatang kinakabahan. What's with him?

"Ms. Travis, Wala kang karapatan para kwelyuhan na lang ng ganyan ang dean. Wala ka bang respeto? Sabagay wala ka naman talagang respeto eh." Napatingin ako sa nagsalita at nakita ko nanaman ang dakilang pakialamera. Paniguradong nagsisimula nanaman ito ng gulo.

Kabago bago pa lang niya dito, pakialemara na.

" Ms. Addison, alam mo rin ba na may karapatan akong patayin ka mismo dito kung palagi ka na lang nakikialam sa ginagawa ko?" Walang emosyon kong saad. Napaatras naman ito sa sinabi ko. Minsan nagtataka na rin ako sa babaeng to dahil palagi na lang nitong pinapakialaman lahat ng ginagawa ko. Ewan ko ba. Nakakairita.

SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon