Mariane POV
Nandito kami ngayon ni Nathan sa Garden, dito na lang kami tumambay dahil wala naman kaming magagawa sa classroom.
Pansin kong tahimik lang si Nathan kaya tinitigan ko siya ng mariin.
Naalala ko nanaman na kailangan niyang lumipat ng University pagkatapos ng camp.
sa tuwing iniisip ko na papasok siya doon na puro gangster, natatakot na ako na baka may mangyaring masama sa kanya doon.
Nag aalala ako sa kanya dahil dito pa nga lang sa Montemayor University nahihirapan at pinahihirapan na siya, paano pa kaya doon na maraming halang ang kaluluwa.
base sa pagkaka basa ko sa novel, wala talagang awa ang mga nagaaral doon, dahil kung papasok ka doon na mahina ang loob mo at wala kang laban walang tutulong sayo.
Mas lalo ka lang nilang paglalaruan at pahihirapan dahil iyon ang gusto nila,
Pero tama ba yung naging desisyon ko sumama sa kanya?
alam kung mas lalo lang akong mapapahamak kapag sumama ako sa kanya pero wala na akong magagawa, dahil sa novel nagaral rin talaga si Mariane doon dahil gusto niya kasama niya pa rin si Luxurious.
atsaka may kailangan din akong hanapin sa University na yun.
"Nathan sigurado ka na ba talaga sa desisyon mo na doon ka magaaral?" sabi ko sa kanya. alam kong alam na niya kung ano ibig kong sabihin.
tumingin siya sa akin at yumuko, pinaglaruan naman niya ang kanyang daliri at dahan dahang tumango.
napabuntong hininga na lang ako.
napatingin naman ako sa mga bulaklak at pinagmasdan ito
"Next Monday." tumingin ako sa kanya dahil bigla na lang siya nagsalita
huh? next monday?
"Bakit anong meron next week?" nagtatakang tanong ko sa kanya,
may okasyon ba sa next Monday?
"Lilipat na kaagad ako doon." napatitig naman ako sa kanya at hindi ko maiwasang hindi magulat sa sinabi niya.
"Anong ibig mong sabihin Nathan?" seryoso kong tanong.
Alam ko na kung ano ang kanyang ibig sabihin, lilipat na siya agad, pero gusto ko marinig ito mula sa kanya,
"Kailangan ko na agad lumipat doon sa Heavenhell Academy, Mariane." mahina niyang sabi
Heavenhell Academy,iyan ang pangalan ng University na lilipatan namin ni Nathan, gandang pangalan noh? heaven? nakakatawa! walang langit na mararamdaman doon, pero hell oo dahil mukhang impyerno doon dahil sa may mga patayan. iyon ang isa pang University na dating pagmamay-ari ng parents ni Luxurious na ngayon ay pinamana na sa kanya. Tulad nga ng sabi ko puro mga gangster, assassins, ang mga nagaaral doon. May mga basagulero din doon at mga estudyanteng may mga bad records sa dati nilang schools. Kahit naman na wala kang mga bad records o hindi ka gangster pwede kang mag enroll doon. Hindi ka rin pwede umuwi kapag nag aral ka doon, kaya may mga dorm doon na pwede mong tuluyan,
kumbaga doon kana maninirahan pansamantala. Makakalabas ka lang kapag nakagraduate kana. At isa pa pag pumasok na ako doon sa eskwelahan na yun, posibleng bumalik ako sa 1st year college, dahil kailangan mong manatili doon ng apat na taon, kaya pagpapasok kami ni Nathan doon, kaming dalawa babalik sa 1st year, este siya lang kasi hindi naman nag 1st year si Mariane, kaya kaming dalawa babalik kami sa 1st year.
Ganun naman din sila Luxurious, kasi ng pumasok doon si Camille kasama sila Addison bumalik sila ng 1st year kaya ganon din ang ginawa nila Luxurious para makasama niya si Camille at mabantayan ito dahil maraming umaligid na lalaki dito dahil sa taglay daw niyang kagandahan. Sa totoo lang pag bumalik si Luxurious sa Heavenhell, magiging 4th year na siya dahil doon naman talaga siya nagaaral, pero hindi niya makakasama si Camille kaya bumalik siya ng 1st year kasama sila skyler.
Nung una ginawan niya ng paraan para maging 4th year na kaagad si Camille kaso kasama yon sa policy, kaya kahit siya na ang may ari ng University na yon, hindi naman niya pwede labagin ang mga policy.
Ibig sabihin apat na taon kung hindi makikita ang daddy ni Mariane pero posible din na magkita kami dahil malaki ang shares niya sa Heavenhell kaya pwede siyang bumisita doon.
"Pero bakit ang bilis naman ata Nathan?" nagtataka kong sabi sa kanya.
"Yon ang sabi sa akin ni Mommy, kailangan na daw na lumipat kaagad ako doon."
napahilot ako ng aking sintido dahil may problema pa ako, hindi pa alam ng daddy ni Mariane na lilipat ako doon.
Paano ako magpapaalam,
"Nakapag enroll kana?" tanong ko sa kanya. tumango naman siya.
"Ok, mag eenroll na din ako." sabi ko at kinuha ang cellphone ni Mariane para tumawag doon.
"Pero Mariane kailangan mo ba talagang sumama sa akin? hindi mo naman kailangang sumama sa akin dahil, delikado din doon." nag aalinlangan niya sabi. Tumingin ako sa kanya at binalik ang tingin sa Cellphone.
"Nathan kahit anong gawin mo, hindi na magbabago ang isip ko." tumingin tingin ako sa mga contacts ni Mariane dahil sigurado ako mayroon siyang number ng dean doon.
"Mariane bakit ba kailangan mong sumama?" tanong niya sa akin.
"Nathan, alam mo na ang rason ko diba? mapapahamak ka doon, magiging delikado ang buhay mo kaya kailangan kitang samahan, baka wala pang isang araw nategi kana doon." sabi ko ng hindi siya tinitingnan. "Atsaka hindi mo rin alam kung ano ang nasa isip ng mga estudyante doon, baka pagkakita palang nila sayo, nagpaplano na sila sa isipan nila na kung paano ka pahihirapan." patuloy ko pa habang nakatingin sa cellphone.
rinig ko naman ang malalim nitong buntong hininga at bumulong na rinig ko naman "Ano pa bang magagawa ko." kaya napangiti ako at tumingin sa kanya. Umupo ako sa bench na kinauupuan niya, at tumabi sa kanya. Nakaupo kasi ako sa bermuda grass dahil mas sanay naman na ako.
"Tsk ayaw mo ba akong kasama." sabi ko at ngumiti ako sa kanya. bahagya naman namula ang pisnge niya.
"S-syempre gusto kitang k-kasama, kasi ikaw lang ang nagiisa kong k-kaibigan," Nauutal nitong sabi kaya napatawa ako.
"Yun naman pala kaya eh, Ayy teka tatawagan ko lang saglit yung dean doon." sabi ko, nakita ko na kasi,
inakbayan ko naman si Nathan at sinimulan ng i-dial ang numero ng dean, ewan ko kung bakit mayroon siyang number nito.
napatingin naman ako kay Nathan na parang kamatis na ang mukha, hindi Ko na lang pinansin dahil sanay na akong makita ang mukha niya namumula.
tinapat ko ang cp sa aking tainga at hinintay kong may sasagot ba, nakakadalawang ring pa lang ng may sumagot n dito.
"Good day, this is the dean of Heavenhell Academy, what can I do for you Ms. Travis?" sabi sa kabilang linya. hindi na ako magtataka kung bakit niya ako kilala, dahil siguro anak ako ng may malaking shares sa Eskwelahan nila,
bumuntong hininga muna ako at tumingin kay Nathan na nakatingin sa akin.
"I want to enroll."
=END OF CHAPTER 14=
BINABASA MO ANG
SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVEL
FantasyReincarnated in another world is not easy. Like Arianne Damon Fuarez. She's just a normal teenager na bigla na lang na- aksidente at napunta sa kabilang mundo. Sa loob ng sikat na nobela. Mariane Rose Travis, a popular Villainess in a popular novel...