Mariane POV
Nagsitayuan kaming lahat ng ng marinig namin ang bell ng school senyales na Lunch na.
Napatayo na rin si Nathan at nagsimulang ayusin ang kanyang mga gamit.
Ganun na rin ginawa ko, inayos ko yung mga nilabas ko kaninang mga gamit at ibinalik sa bag. Oo nga pala, Jansport bag ko. Favorite bag ko kasi ito, kahit sa dati kong mundo ganito ang bag ko, di tulad ng ibang estudyante dito at sa Montemayor na puro sosyal at branded ang mga bag, buti na lang merong jansport na bag dito sa mundong to. ( wala lang share ko lang)
Napailing iling na lang ako dahil sa iniisip ko, tumingin ako kay Nathan na sinasara na yung bag niya.
"Tara na Nathan." tumango naman siya.
Palabas na sana kami ng Classroom ng may humarang sa aming dalawa kaya napaatras kami.
Isa itong babae na kulay lila ang buhok, nakangising nakatingin sa amin. Parang natutuwa siyang makita kami, Hindi ko masabing maganda siya dahil natatabunan siya ng make up. May mga Hikaw din ito sa ilong at labi, May kasama din siyang mga alipores.
"Ow, Hi. New students." natutuwang sabi niya, at kalaunan ngumisi ito ng nakakatakot.
Sino naman to?
Nakaramdam ako ng kaba dahil sa ngisi niya, mukhang nangangamoy gulo, na sana hindi mangyari.
Unang araw pa lang namin ni Nathan sa klase, pero mukhang hindi yun magiging maaliwalas.
"A-anong kailangan niyo?." nauutal ngunit seryoso kong sabi. Pilit kong tinatatagan ang loob ko dahil mukhang hindi siya basta basta, dahil nasulyapan ko yung batch niya kanina, kulay brown ang batch nito, ibig sabi nasa Eagle Association siya at mukhang siya din ang Leader ng Association nila dahil kulay gold ang pin ng batch niya.
Ngumisi ito at matalim akong tiningnan.
"Well gusto ko lang naman makipaglaro sa bagong students eh, masaya yon hindi ba?" nakangising sabi niya. Napatanga ako sa sinabi niya
Napalunok ako at napapikit ng mariin. Hindi maganda to. Umigting bahagya ang panga ko dahil sa kaba.
Nagmulat agad ako ng mata at tumingin sa kanya bago magsalita.
BINABASA MO ANG
SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVEL
FantasyReincarnated in another world is not easy. Like Arianne Damon Fuarez. She's just a normal teenager na bigla na lang na- aksidente at napunta sa kabilang mundo. Sa loob ng sikat na nobela. Mariane Rose Travis, a popular Villainess in a popular novel...