=CHAPTER 13=

5.4K 261 15
                                    


Mariane POV

"Mariane ayos ka lang ba? kanina ka pa tulala."  nag aalalang sabi ni Nathan kaya napatingin ako sa kanya.


"Ayos lang ako Nathan wag kang mag alala, may  iniisip lang ako." sabi ko at ngumiti ng tipid sa kanya.


"Ano ba ang bumabagabag sayo, malay mo matulungan kita." sabi nito habang nakatingin sa akin.


Napaiwas naman ako ng tingin sa kanya at bumuntong hininga.


"Ayos lang kung hindi mo kayang sabihin sa akin, nag aalala kasi ako sayo simula kanina nung pagdating mo dito sa school tulala kana." sabi niya.


ngumiti ako ng pilit sa kanya dahil naguguilty ako dahil kanina pa okupado ang isip ko at nagaalala pa siya sa akin "Pasensya kana Nathan kung napag alala pa kita, ayos lang ako masyado lang akong maraming iniisip."


tumango naman siya "Ayos lang, kaibigan kita kaya nagaalala ako sayo." napangiti naman ako sa sinabi niya " Teka, natapos mo na ba yung project natin, ipapasa ko na kasi kay Ma'am." sabi nito sa akin


nagtataka ko naman siyang tiningnan at tumingin sa harapan, 


"Wala pa naman si Ma'am ah, sabi nya ipasa natin pag dumating siya, para daw sabay sabay." nagkibit balikat naman ito


"Sabi kasi niya pumunta na lang daw ng faculty at doon na lang daw ipasa, may meeting daw kasi mamaya, kaya walang klase. " sabi niya kaya tumango ako at kinuha sa bag ko ang isang kulay blue na folder na naglalaman ng mga ginawa namin.


"Ibig sabihin pwede ng umuwi?" tanong ko at inabot sa kanya ang folder, tinanggap naman niya ito at umiling.


"Hindi daw pwede umuwi, pero pwede daw gumala sa buong Campus." sabi niya at tumayo sa kinauupuan.


"Teka, sasamahan na kita." sabi ko at akmang tatayo ng umiling ito


"Hindi na dito ka na lang muna, ako na lang ang magpapasa." sabi naman nito.


"Ha? sigurado ka ba? " nagtataka kong sabi sa kanya.


"Hahaha, oo ako na at magpahinga ka na lang muna," sabi niya, pipigilan ko sana siya dahil gusto kong sumama kaya lang  daglian na itong umalis.


Napasimangot naman ako at tumingin sa labas ng bintana.


Naalala ko nanaman yung nangyari kahapon nung pumunta ako ng seven eleven.


FLASHBACK..........

Pagkatapos kung sabihin yun sa kanila ay tumalikod na ako at naglakad palabas ng mansyon.


"kuya lalabas lang po ako saglit."  paalam ko sa gwardya ng mansyon, tumango naman ito at binuksan ang gate.


SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon