=Chapter 28=

5.3K 306 145
                                    

Mariane POV

Mukhang napahiya naman si Camille sa sinabi ni Maverick.

Napayuko naman si Camille at umatras.

Nagulat na lang ako ng bigla na lang akong hinila ni Marcus palabas ng opisina.

Sumunod naman ang dalawa sa amin. Ano bang pag uusapan namin?

Hanggang sa nakarating kami sa isang garden. Hindi ako pamilyar dito dahil hindi naman namin nagawa ni Nathan na maglibot sa buong Univ na to.

Binitawan ako ni Marcus at nakangiting tumingin sa akin. Umiwas ako ng tingin sa kanya dahil medyo naiilang ako.

"Mariane..." Malambing nitong saad

"Ano bang pag uusapan natin?" Seryoso kong tanong at tumingin din sa dalawang magkapatid na ngayon ay pareho ng nakaupo sa isang bench dito sa Garden.

"Wala tayong pag uusapan, gusto ka lang namin makita at makasama. Miss kana kasi namin eh." Nakangiting saad ni Maxwell na nagpanganga sa akin.

Ano daw?

Sabi nila mag- uusap kami, tapos gusto lang naman pala akong makita at makasama.

Nawiwirduhan na talaga ako sa tatlong magkakapatid na to.

Dahil unang una, bakit ganito sila umakto? Umaakto sila na parang napakaimportante ko sa kanila. Hindi ganito yung na sa Novel, kaya bakit ganito?

"P-pero nakita niyo na ako kanina eh, kaya bakit kailangan pa na pumunta tayo dito?" Tanong ko at umupo na rin sa isang bench na katapat lang nila Maxwell at Maverick. Nakakangalay kasi tumayo eh.

Tumabi naman sa akin si Marcus na ikinakislot ko.

Tumingin ako kay Marcus at umiwas din agad dahil saktong nakatingin din siya sa akin.

Nagkibit balikat naman sila sa sinabi ko.

"Wala lang gusto ka lang namin masolo."

Addison POV

Tinitigan ko si Camille ng yumuko ito dahil sa sinabi ng kanyang kuya Maverick. Nakakaawa naman siya.

Ibinalik ko ang tingin kila Mariane at nakita ko naman na hinila ito ni Marcus palabas, sumunod naman ang dalawa sa kanya.

Lumapit ako kay Camille at tinapik ang balikat nito.

"Ayos ka lang?" Tanong ko at sinuri ang mukha nito.

"Oo naman ayos lang ako." Nakangiti nitong saad kaya napailing na lang ako.

Tinapik ko na lang ulit ang balikat nito.

" I have to go Dean." Napatingin kaming lahat kay Hercules nang magsalita ito.

Tumango naman ang Dean senyales na pinapayagan niya ito.

Aalis na agad siya?

Tatanungin ko sana kung saan siya pupunta kaso nga lang dali dali na itong tumalikod.

Yeah, may gusto na agad ako sa kanya. Hindi ba halata?

Unang tingin ko palang sa kanya, I really like him na.

No, I think I love him already.

I know I'm crazy for saying this, but ito yung nararamdaman ko.

I want him. I really want him to be mine.

Also I want Luxurious to be mine too. Yeah I like him too.

Kaya naiinggit ako kay Camille dahil halos lahat ng lalaki nagkakagusto sa kanya dahil maganda at mabait ito. 

SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon