=CHAPTER 17: Heavenhell University=

6K 312 53
                                    

Mariane POV

Kaba, iyon ang nararamdaman namin ni Nathan habang nakatingin kami sa gate ng heavenhell.

Sa tingin ko hindi ata toh gate papasok ng School, sa tingin ko gate toh papuntang impyerno.

Ang creepy din nong gate, malaki ito at puro mga naksementong pader ang nakapalibot dito, may mga matutulis din na bakal sa tuktuk ng pader, may mga lumot pa. Yuck hindi ba sila marunong mag linis.

 Na- imagine ko pa naman na maganda  din itong Heavenhell tulad ng Montemayor pero hanggang imagine na lang pala yon.


Nakalimutan ko na kasi yung mga ibang detalye sa novel eh, kaya akala ko maganda din itong heavehell.

Ano pa ba ang aasahan ko dito? Expected ko naman na ganito ang itsura ng heavehell, pero hindi ko naman maiwasang hindi mag imagine eh, para nga itong haunted school, nakakatakot may bakas pa ng dugo sa iba't ibang pader.

napatingin ako kay Nathan, at nakita ko na sa may mga bakas ng dugo siya nakatingin. Pansin ko rin ang kaba sa mukha nito.

"Tara na po Ms. Mariane, Mr. Nathan." napatingin naman ako sa nagsalita, siya si sir Bryan, siya yong sumundo sa amin kanina, may katandaan na rin ito, na sa tingin ko nasa 40's na.


Tumango naman kami, tumingin ako sa may maliit na gate dahil may lumabas doon, na mga naka black suit na mga lalaki, sa tingin ko na sa mga apat sila.


Lumapit sila sa amin at kinuha ang mga bagahe naman na nasa sasakyan.


"Sila ang maghahatid ng mga bagahe niyo sa kwarto niyo dahil kailangan niyo munang pumunta sa Dean office." napatango naman kaming dalawa.

nag simula na siyang maglakad papasok ng gate kaya sumunod na kami, napangiwi ako dahil ang creepy ng tunog ng gate kapag binubuksan, parang nasa horror lang kami, mukhang uulan din dahil makulimlim na.

napatingin naman ako sa relo ko at tiningnan ang oras, 12:34 pm na, ang layo pala ng binyahe namin.

Napatingin ako sa paligid ng eskwelahan, walang ni isang estudyante sa paligid  at sigurado ako na may mga  klase sila ngayon.

Pinagmasdan ko ang paligid habang naglalakad kami papuntang Dean office, malinis ang lugar, at may mga bench sa paligid, may mga malalaki ding mga building nasa tingin ko ay mga classsroom, dahil medyo maingay at naririnig ko ang mga boses nila.


Maganda naman ang school na toh, kaya lang alam kong nabahiran na ng mga dugo ang eskwelahan na ito, kaya kahit ano pang linis nila dito, hindi nila mapagkakaila na madumi na ito.


Tumingin ako kay Nathan na ngayon ay nililibot din ang paningin sa paligid.


Napatigil kaming dalawa sa paglalakad dahil tumigil si sir Bryan,


tumingin ito sa aming dalawa at nagsalita "Kumatok na lang kayo, dahil hanggang dito na lang ako,  mauuna na ako." tumango na lang kami.


nagsimula na itong maglakad paalis kaya sinundan na lang namin siya ng tingin.


nagkatinginan kami ni Nathan, kaya bumuntong hininga na lang ako at ako na ang kumatok.

============================================

Addison POV

"Good Morning class." sabi ng prof namin sa history, at the same time adviser namin.

bumati  naman kami pabalik kaya tumango siya

"Class A, I just want to inform to all of you that Ms. Mariane Trevor and Mr. Nathan Aveilor, has moved in another University." seryosong sabi ni Prof, nagulat naman ang mga kaklase namin, maski kami nila Camille nagulat din, dahil kahit alam na namin na lilipat sila hindi lang kami makapaniwala dahil akala namin nagpapanggap lang siya.

"Prof bakit po silang dalawa lumipat?" tanong ng isang babae naming kaklase.

"I don't know, Ms. Ivy, hindi nila sinabi ang rason." sabi ni prof habang inihahanda nito ang laptop niya.

Nakakapagtaka naman na sabay pa silang lumipat ng University, at ano naman kaya ang balak niyang gawin?

"Saan po sila lumipat Prof?" tanong naman ni abby


Nagkibit balikat na lang si prof at nag simula ng mag klase.

=========================================================

"Mr. Romero bakit niyo po kami pinatawag?" tanong ni camille kay principal,


May pumunta kasi kaninang estudyante sa room namin at pinapatawag daw kami ni Mr. Romero


"Alam niyo naman na lumipat na ng ibang school si Mariane kaya hindi na siya makakasama sa pagtulong para sa camp kaya inaasahan ko kayo tungkol dito." seryoso nitong sabi. Napatango naman kami.


"Kahit naman na wala si Mariane, kaya naman po namin magplano Mr. Romero." walang ganang sabi ni jamie.


Napailing iling na lang si Mr. Romero at bumuntong hininga. " So may nakahanda na ba kayong plano?" tanong nito sa amin. "Tandaan niyo tatlong linggo na lang ang camp kaya dapat nakapag handa na kayo."


Tumango naman kami. " Nakapagplano na po kami, sa totoo lang po mag sisimula na po kami." sagot ni camille sa unang tanong ni Mr. Romero.


"Good, so do your best for this camp. Cause you know this is the most important event, don't dissappoint the director's also Mr. Luxurious parent's, Understand?" tanong nito kaya tumango kami.

=====================================================

Mariane POV

"Good afternoon Ms. Trevor and Mr. Aveilor, welcome to heavenhell University." Nakangiting sabi ng dean ng school, dahil pag pasok pa lang namin ng pinto sinalubong na niya kami.


"Good afternoon din po." Tugon ko. Ganon din si Nathan.


"So kaya kayo nandito sa office dahil ibibigay ko sa inyo yung mga schedules niyo, then susi ng dorm niyo, here." sabi niya at nilapag ang isang maliit na handbook at tig dalawang susi.

"Also, your father requested if you two want na iisang dorm na lang kayo, don't worry may dalawang kwarto na yon, so gusto niyo ba,?" natigilan ako at napatingin kay nathan na ngayon ay nakatingin na sa akin napansin ko rin na namumula na ang leeg nito.


Binalik ko ang tingin sa dean at tumango. " Sige po sa iisang dorm na lang po kami." sabi ko.


mas mabuti na rin yon para hindi siya mapahamak, dahil alam ko dito na magsisimula ang kalbaryo namin


=END OF CHAPTER 17=

SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon