Mariane Rose Travis POV
I'm glad that he's awake now, because like his brother hindi ko din alam kung anong gagawin if ever na hindi na siya magising.
But, nung marinig ko yung sinabi ng kuya niya na nasali din siya ng battle ranking ng hindi niya alam tulad ng sa akin, nainis ako bigla.
I'm not mad at him. I'm just pissed kasi hindi niya sinabi sa akin at alam kong ako ang dahilan nun.
Haist. But at least now, my problem is solved at wala na akong aalalahanin pa. And about kay Luxurious, nagawan ko na ng paraan.
Pagkalabas ko ng kwarto niya eh dumiretso ako sa garden para makalanghap ng sariwang hangin.
Pagka- dating ko doon ay umupo ako sa bench at tumitig sa kawalan.
This past 3 days nag iba ang trato ng ibang estudyante sa akin. I don't know why pero sa tingin ko about dun sa nangyari sa battle ranking. About sa nakita nila.
Yung ibang estudyante ay may takot na tingin sa akin dahil sa t'wing nasasalubong ko sila ay nag aatrasan sila o kaya gigilid na para bang binibigyan nila ako ng daan o kaya gustong umiwas sa akin. Habang yung iba naman ay patuloy pa rin akong minamaliit at wala naman akong pakialam pa don.
Hindi din ako pumasok sa mga klase ko dahil ewan. Tinatamad lang ako. Tsaka saka ko lang din nalaman na kaklase ko pa rin sila Camille.
Hanggang dun ba naman nakikita ko sila, kaya nawalan din ako ng gana pumasok. Pero may balak pa rin naman ako umattend ng klase. Wag lang muna ngayon.
Mayron din akong isa pang iniisip at nahihirapan akong mag- desisyon.
Should I find another vacant room ng dorm? Nagdadalawang isip kasi ako kung lalayuan ko na lang muna si Nathan for good.
Dahil sa t'wing napapasok ako sa gulo, nadadamay siya. Ayokong mangyari yun. Kaya pinag iisipan ko na lumayo muna sa kanya. Nathan is a good friend at para na ring kapatid ang tingin ko sa kanya. Pero ayoko rin na napapahamak siya ng dahil sa akin. Nadadamay siya sa gulong napapasukan ko.
Iniisip ko rin na paano ko siya po- protektahan pag lumayo ako sa kanya. Pero nandyan naman yung kuya niya eh.
Should I do that? There's a part na ayokong gawin yung iniisip ko pero mayroon ding parte na dapat ko na lang gawin para sa ikakabuti niya. Napahawak ako sa aking noo. Sumasakit lang ang ulo ko kakaisip eh.
Tumingala na lang ako at pinagmasdan ang medyo makulimlim na kalangitan. Mukhang uulan. Sana umulan.
Kailan kayo ako makakabalik sa tunay kong mundo? Nahihirapan na rin kasi ako dito. Hindi tulad sa dati kong mundo, wala akong pino- problema, eh dito halos araw araw meron. Saan ako lulugar? Ewan ko ba kung ano ang ginagawa ko dito. Wala naman akong ginagawang masama.....Napailing na lang ako at natawa ng mahina sa iniisip.
Walang nagawang masama? Tsk.
"Fine?" Bumilis agad ang tibok ng puso ko ng may narinig akong nagsalita. Gulat ko siyang tiningnan. Nakakagulat eh.
Kumunot ang noo ko ng makilala ko kung sino 'to, anong ginagawa niya dito?
BINABASA MO ANG
SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVEL
FantasyReincarnated in another world is not easy. Like Arianne Damon Fuarez. She's just a normal teenager na bigla na lang na- aksidente at napunta sa kabilang mundo. Sa loob ng sikat na nobela. Mariane Rose Travis, a popular Villainess in a popular novel...