=CHAPTER 8: ACCUSED=

5.4K 267 12
                                    


Mariane POV

" Nathan, saan tayo kakain?" tanong ko sa kanya, dahil kakatapos lang ng class namin sa History, sa totoo lang wala akong naintindihan sa tinuro ng professor namin, dahil hindi ko naman talaga hilig yung history.

"Uhm ikaw na ang bahala kung saan mo gustong kumain." sabi nito. kumunot ang noo ko.

"Mas maganda kung ikaw ang pipili dahil ililibre kita ," sabi ko naman habang binabalik ko yung notebook sa bag ko dahil nagsulat kami kanina. Pwede kasi kaming lumabas ng school ngunit dyan lang sa may harap, may kainan din kasi doon.

"Pero alam mo kasi hindi ako sanay na may kasamang kumain?" kaya nagtataka ko naman siyang tiningnan.

"Ang ibig mong sabihin wala ka pang kasama kumain, simula ng nag aral ka dito?" gulat kong saad.

tumango naman siya.

sinara ko ang bag ko pagkatapos kung ibalik yung notebook ko,

binalik ko ang bag ko sa upuan, ang dadalhin ko lang naman ay yung wallet at cellphone ni Mariane.

tumingin ako sa kanya ng seryuso.

"Kahit kaibigan hindi ka nagkaroon?" sabi ko habang nakatingin sa kanya.

tumango naman ulit siya. Hindi ko alam pero nalungkot ako sa sinabi niya.

pagkatapos niyang ayusin ang gamit niya, binalik din niya sa upuan niya ang bag niya at mukhang wala rin siyang balak na dalhin.

ngumiti ako sa kanya ng matamis at nagsalita.

"pero pumayag ka na ililibre kita, Pwes simula sa araw na toh, ako na ang makakasama mo sa pagkain, para hindi kana laging magisa." sabi ko sa kanya habang nakangiti.

namula naman siya.

"T-talaga?" nauutal at namumula niyang sabi.

"Oo naman, hindi ba magkaibigan na tayo kaya asahan mo na sabay na tayong kakain dahil ganun ang magkaibigan."  masaya kong sabi.

hinila ko ang kamay niya at dumiretso sa pinto para lumabas,

palabas na sana kami nang magsalita siya kaya napatigil kami sa harap ng pinto.

"Hindi kaba nandidiri sa akin, sabi ng iba pangit at mabaho daw ako, sabi din ng iba na hindi raw nababagay ang isang taong katulad ko dito sa school na ito?" umawang labi ko sa sinabi niya.

totoo yun, ganon ang mga sinasabi sa kanya ng iba, dahil nabanggit iyon sa libro pero hindi dapat niya sa akin ito sinasabi, kay Camille dapat. dahil nga tinutulungan ni Camille si Nathan sa mga nambubully sa kanya.

" pero hindi ka naman pangit at mabaho sa totoo lang ang bango mo nga." sabi ko. namula naman siya " Pero S-sino naman nagsabi ng mga yan sayo, ?" tanong ko

" yung mga tao lang na laging nambubully sa akin." napayuko ako sa sinabi niya.

"Pero lagi din kitang nabubully, kaya alam kung may kasalanan din ako kaya ka laging nahihirapan." naguguilty ako kahit hindi ako yung nambully sa kanya.

tumawa siya ng mahinhin.... shet itigil mo yang ganyang pagtawa baka mahulog ako.

"Hindi ba sinabi ko na sayo na pinapatawad na kita lalo't alam ko naman na hindi mo yun gusto kaya wag mong sisihin ang sarili mo dahil kasalanan ko rin naman, hindi kasi ako lumalaban sakanila." sabit nito.

"Pero hindi ko maiwasan eh." nahihiya kong sabi, napatawa naman siya at napailing iling

"Tara na baka maubusan pa tayo ng oras at hindi na tayo makakain." kaya napatango ako at inakbayan siya na ikinagulat niya.

SUDDENLY, REINCARNATED INTO NOVELTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon