Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated to: SarangAnne07 :)
Comment for more Dedications.
(Join our group on facebook for the ones who would like!)
DiamondAlpha: I'm an author na hindi marunong magpakilig so waley. xD
--------------.
CHAPTER 33
Chloe's PoV
"Chloe.. Chloe gising nandito na tayo,"
Naramdaman ko ang pagyuyogyog sa akin dahilan para magising ako. Unti unti kong binukas ang dalawang mata ko. Pagmulat ko nakita ko kaagad si Leah. Nakita ko din sila Bea na pababa na sa pintuan nitong van.
Napaayos ako ng upo. Nag-unat unat din ako dahil medyo nangawit ako sa posisyon ng pagtulog ko kanina.
"Tara na Chloe." Aya ni Leah ng masigurado naming nakababa na silang lahat.
Dinala ko na lahat ng dapat bitbitin palabas ng van. Pinauna kong lumabas si Leah bago ako.
Pagkababa ko agad kong sinarado ang pinto.
Napatingin ako sa paligid sa labas at pansin kong nasa isang parking lot kami ng isang resort. Dito siguro kami magste-stay.
"Tara dalhin na natin gamit nila Ma'am Clara," sabi ko kay Leah.
Tumango naman na siya at naglakad papunta sa likod ng sasakyan para kunin ang mga gamit. Kinuha ni Leah ang bag ng gamit niya at bag ng gamit ni Ma'am Clara. Kinuha ko na din ang bag ko. Teka? Nasaan yung bag ni Alfred? Ako din kasi dapat ang magdadala nun.
Hinanap ko si Alfred kung nasaan siya. Tapos nakita kong dala dala na niya ang bag niya.
Nakatingin lang ako sa kanya dahilan para mapatingin din siya sa akin.
"I can handle this. Ako na magbubuhat." Bigla niyang sabi sa akin.
Tumango nalang ako at tumingin sa iba.
"Alright we're here! Let's go inside and get us our rooms." Sabi sa aming lahat ni Ma'am Clara at nanguna sa paglalakad.
Sumunod lang kami hanggang sa makapasok na kami sa malaking resort.
Si ma'am na raw ang bahala kumuha ng key rooms namin. Kaya pumunta na si Ma'am Clara sa maidesk. Kami naman naupo muna kaming lahat sa malalaking sofa dito sa lobby.
"Guys!" biglang sabi ni Bea.
Napatingin naman kaming lahat sa kanya.
"Picture picture tayo later! After nating magfix ng mga things natin?" aya ni Bea habang nakatingin sa kanila Lucas.

BINABASA MO ANG
Just Be Mine [Completed]
Teen FictionChloe and Lucas had been a normal couple for the past months. Until one day, Chloe noticed that Lucas was just being too cold to her. She then later finds out that Lucas had another girl. That other girl was named Bea which had a different boyfriend...