Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated to: KatJMendoza :)
Comment for more Dedications.DiamondAlpha
---------------------------CHAPTER 16
Chloe's PoV"Yeah. Haha, I bet that bitch is in the hospital right now!" sabi ni Sabrina sa kabilang linya.
"Tama!" dinig ko ding sigaw nila Rianne at Patricia.
Nakikitawa tawa lang ako ngayon sa kinukwento nila. As usual nakipag-away nanaman sila. Wala na atang araw na hindi nakikipag-away ang mga 'to. Mga bad girls sila eh. Buti hindi nila ako maiimpluwensiyahan. Minsan gusto ko nang putulin ang pagkakaibigan naming apat. Pero natatakot ako sa reaksyon nila. Alam niyo naman ang attitudes nila.
"Are you sure girl? Ya don't like to go here to make kita kung ano ang itsura ng place?" tanong nanaman ni Sabrina sa kabilang linya.
"Yes I'm very sure Sab. Dito lang ako sa bahay. Wala akong gana lumabas ngayon." Sagot ko naman sa kanya sa phone ko.
"Alright okay! Later girl, shits about to get real!" sigaw niya sa kabilang linya.
Nakarinig ako ng background noise. Mga sigawan ng mga tao. Mga mura pa. Crowded siguro ang place kung nasaan sila Sabrina ngayon.
Pinatay ko na ang tawag.
Nasa isang gang fight daw sila Sabrina ngayon. May nagtawag daw kasing tulong sa kanila. Kaya ayun. Nakikipag-away nanaman. Sanay naman na sila sa ganyan. Hindi na ako mag-aalala. Malalaki na sila.
Napasandal ako sa sofa. Ang tamlay tamlay ko pa din hanggang ngayon.
Nakaupo ako ngayon sa sofa ng apartment namin. Naka-indian feet at nakaharap sa TV.
Tanghali pa lang ng sabado. Parang wala akong gana ngayong araw kaya nandito lang ako sa apartment namin. Atsaka, saan ba ako pupunta? Dapat ngayong Saturday at hindi kami makapag-usap dito sa paligid ng mansion nila magkatext kami ni Alfred. Ngayon hindi na. Kasi nagalit siya.
Hindi ko na din siya masisi kung bakit siya nagselos. Naintindihan ko na din si Alfred kung bakit siya nagselos. Kasalanan ko din pala. Hindi ko kasi tinanggi si Lucas. Hinayaan ko siyang akbayan ako. Hindi ko nasabi dun sa Eric na si Alfred talaga ang boyfriend ko. Malaking bagay na ba talaga 'yun para pagselosan? Kung sa bagay...
Nakaramdam ako ng basa sa pisngi ko. Kusang napahawak ang kamay ko.
"Ha? Bakit ako umiiyak?"
Tinanong ko 'yan sa sarili ko dahil luha ang naramdaman ko. Umiiyak ako. Bakit kaya? Siguro dahil 'to nga sa kung anoman ang nararamdaman ko.
Hindi ko alam ang nararamdaman ko ngayon. Hindi ko maintindihan. Para bang may kulang sa akin na bumabagabag sa puso at isip ko. Hindi ko sanay nagalit sa akin si Alfred. Hindi ko gustong hindi kami nagpapansinan. Para talagang may kulang sa akin na hinahanap ko.
Napa-flinch ako bigla at napapunas sa luha ko ng may kumatok. Si Auntie kaya 'yon? Pero impossible. Nagtatrabaho siya. Kumatok ulit na dahilan para mapatayo ako sa sofa. Naglakad ako papunta sa pintuan namin.
"Um, Sino po sila?" tanong ko.
Kinakabahan ako. Mamaya magnanakaw pala 'to o kung ano. Pero imposible namang napapasok sila ng guard sa gate nitong Mansion.

BINABASA MO ANG
Just Be Mine [Completed]
Teen FictionChloe and Lucas had been a normal couple for the past months. Until one day, Chloe noticed that Lucas was just being too cold to her. She then later finds out that Lucas had another girl. That other girl was named Bea which had a different boyfriend...