Chapter 28

5.9K 184 17
                                    

Leave comments and votes after reading! Thank you. :]

Chapter dedicated to: Sheanaubrey :) (Dyosa xD)
Comment for more Dedications.

(Join our group on facebook for the ones who would like!)

DiamondAlpha
---------------------------

CHAPTER 28
Chloe's PoV

Isa lang ang nararamdaman ko ngayon. Inis. Nakakainis. Ayoko ng ganito. Ayokong nagsisinungaling sa mga taong mahahalaga sa akin.

Si Alfred. Malaki ang hala niya sa isang tulad ko. Nakakainis lang at kailangan kong magsinungaling sa kanya. Kailangan kong magpanggap na okay lang kahit hindi naman.

Gusto ko na sanang sabihin sa kaniya ang lahat kanina. Pinipigilan ko lang. Hindi ko magawa dahil naiisip ko ang kalalabasan ng lahat kapag sasabihin ko sa kanya.

Knowing Alfred, siguradong magagalit siya kapag nalaman niya ang ginagawa sa akin ngayon nila Sab. Paniguradong magagalit siya sa kanila Sabrina at malalaman nila sab na pinagsasabi ko ang deal naming sa iba. Ending? Kala tang sikreto ko.

Kaya sana maintindihan na lang ni Alfred. Maintindihan niya sana 'tong problema na kinahaharap ko ngayon. Hindi ko rin naman siya masisisi. Pa'no niya nga ba ako maiintindihan kung hindi niya alam ang problema ko? Fudge lang.

Lampas 1 am na. Madaling araw na at ginagawa ko pa rin ngayon ang miniature house nila Sabrina. Ayoko na. Pagod na ako. Kaso kailangan ko 'tong tapusin kung hindi lagot ako.

Pagkatapos kong kumain nang simulant ko 'to. Mga 9 pm siguro ako nagsimula. Pero kaunti pa lang ang nasisimulan ko. Pinag-aralan ko pa kasi muna kanina kung paano gawin ang isang miniature house.

Nandtio ako ngayon sa lapag ng kwarto naming ni Auntie sa apartment. Katabi ko ngayon ang kama. Wala kasi akong maayos na patungan. Walang kahit maliit na lamesa dito para paggawan ko nito.

"Fudge." Nasabi ko.

Bigla na lang kasi natanggal at natumba ang dinikit at ginawa ko kaninang poste ng bahay. Ano ba 'to. Ididikit ko nanaman.

Habang nagdidikit napatigil ako sa biglang pagbukas ng pinto.

"Oh Chloe? Bakit gising ka pa hija?"

Si Auntie pala.

"Ay Auntie. Tatapusin ko pa po 'tong Miniature House na ginagawa ko." Sagot k okay Auntie.

"Ha? Madaling araw na Chloe. Hindi mo ba pwedeng ipabukas na lang 'yan?" parang nag-aalalang tanong ni Auntie.

Kung pwede nga lang 'to ipabukas. Kaso hindi dahil sabi nila Sabrina two days lang dapat matapos ko na. At ngayon ang pangalawang araw na gagawin ko 'to.

Hindi ko kasi nasimulan kahapon dahil pinaiwan ko sa kanila Brandon ang mga gamit. Marami din akong mga homeworks na ginawa para sa kanila sab kahapon kaya ngayon ko pa lang 'to gagawin.

Inilingan ko si Auntie.

"H-Hindi na po pwede bukas Auntie, kailangan na pong ipasa bukas."

Bigla na lang akong napahikab. Dahilan para medyo mapaluha ang mata ko dahil sa antok.

"Kaya tatapusin ko na lang po ngayon." Sabi ko pa.

"1:30 na Chloe. Nako hija. Patulugin mo kaya muna ang sarili mo? Inaantok ka na oh." Sagot ni Auntie.

"Hindi Auntie. Kaya ko pa po. Tapusin ko na po 'to kailangan na po bukas eh." Pagpipilit ko kay Auntie.

Just Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon