Chapter 60

6.9K 179 51
                                    

HAPPY NEW YEAR SA LAHAT❤️❤️
Pasensorry nalate ang update. Kanina pa dapat to eh.
Dedicated to: callmemissbruha
------------
Chapter 60
Chloe's PoV

Kumalas sila sa yakap at tinignan ako sa mata.

"C-Chloe.. Anak.. Sorry dahil hindi ka namin nahanap noon ah? G-Ginawa naman namin ang lahat eh." Sabi ni Mama at umiyak ng umiyak.

"Okay lang po.. 'Di niyo naman po 'yun kasalanan.. Ang mahalaga po ay nagkita pa tayo.." Sagot ko ng nakangiti at umiiyak.

"C-Chloe?" Narinig kong banggit ni Zoe sa likod namin.

Sabay sabay kaming napalingon sa kanya.

"Y-Your my sister?" 'Di makapaniwalang tanong pa ni Zoe.

Nagulat ako ng bigla niya akong yakapin.

"I'm happy to see you.. We missed you." Narinig kong sabi niya.

Nagulat ako. Totoo ba 'to? Tanggap ako ng magulang ko at kapatid ko? Kahit matagal akong nahiwalay sa kanila?

Yinakap ko pabalik si Zoe.

"Salamat dahil tanggap mo ko." Bulong ko sakanya.

Kumalas na kami ng yakap.

Napatingin ako kay Mama at Papa at nakatingin sila kay Auntie.

"Tess.. Hindi kami magagalit sa'yo.. Pasasalamatan ka namin dahil inalagaan mo nang mabuti ang anak namin. Pero kailangan namin siyang bawiin sayo." Sabi ni Papa sakanya.

Tumango tango kaagad si Auntie habang umiiyak.

"Naiintindihan ko.. Iiwan ko na siya sa inyo at ako.. Babalik na ako ng pilipinas." Sagot ni Auntie sa kanila.

Bigla kong linapitan si Auntie. Yinakap ko rin ko siya.

"Salamat Auntie.. Salamat sa lahat." Sabi ko habang yakap yakap siya.

Pinapatawad ko na si Auntie ngayong nakilala ko na ang mga magulang ko.

Naiiyak talaga ako. Kahit papano madaming nagawa si Auntie para sa akin. Dapat lang na pasalamatan ko siya.

"Tama na ang iyakan. Kailangan na'ting magsaya." Sabi ni Papa sa amin.

Napatingin kami sakanya.

"Kumain tayo bilang pagwewelcome sa pagbalik ng isang Villaflor." Nakangiti niya pang sabi.

Tumango kaming lahat sa kanya. Pumunta kami sa pinakamalapit na restaurant.

----

Tapos na kaming lahat kumain. Nagpapahinga na lang kami ngayon.

Napalingon ako sa gilid ko. Nakita ko si Alfred na isang nagpapahinga sa terrace. Yup, may terrace 'tong restaurant na kinainan namin.

Biglang may pumasok sa isip ko.

Kailangan ko nang magpaliwanag sakanya...

"Palamig lang po ako sa terrace." Paalam ko sakanila at tumayo.

Tumango sila sa akin.

Dahan dahan ko nang linapitan si Alfred sa terrace.

Nakatalikod na siya sa akin ngayon ay mukhang malalim ang iniisip.

"A-Alfred." Buong lakas kong tawag sa kanya.

Agad siyang napalingon sa likuran niya. Nagulat siya nang makita niya ako.

Just Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon