Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated to: Auntita MsDyosangAuthor :)
Comment for more Dedications.
(Join our group on facebook for the ones who would like!)
DiamondAlpha
—————————————-
CHAPTER 33
Chloe's PoV
Naglilinis ako ngayon sa Master's Bedroom. Nagwawalis. Nagtatrabaho pa rin kasi ako. Mamaya ko pa aayusin ang gamit ko.
Natigilan ako bigla sa pagbukas ng pinto.
"Ay Ma'am Clara," nasabi ko.
Napatayo ako ng maayos at natigil sa pagwawalis. Napaharap ako sa kanya.
"No no, just continue cleaning. May kukunin lang ako." Sabi sa akin ni Ma'am.
Tumango naman ako at sinunod ang utos ni Ma'am Clara. Nagpatuloy ako sa paglilinis.
Sa peripheral vision ko nakita ko ang ginagawa ni Ma'am. May kinukuha siya sa drawer niya na. Hindi ko na lang pinansin.
"Ah Chloe,"
"Ma'am?" Napalingon ako kay Ma'am clara sa pagtawag niya sa akin.
Namangha ako bigla sa hawak niyang kwintas sa kamay niya. Ang ganda. Color asul siya na para bang kulay ng dagat. Mukhang mamahalin din. May mga diamond din kasi na nakapaligid sa gitna ng kwintas.
"Wow." Bigla kong nasabi.
Biglang napangiti si Ma'am Clara. Naupo siya sa kama at nilapag ang isang maliit na kaha sa kama.
"So beautiful right?" tanong sa akin ni Ma'am habang pinapakita 'yung kwintas.
"Oo ma'am. Sobrang ganda. Sainyo po ba 'yan?" Tanong ko.
"It was my grandmother's. Passed to my mother. And was passed to me." Sagot ni Ma'am.
Tumango tango naman ako.
Wow talaga ang pamilya ni Alfred. Napakaingat sa mga gamit nila. Ang gaganda pa ng mga ari arihan nila.
"Uh Chloe, do you have any news for me?"
"Po?" Takang tanong ko sa 'yo.
"My son. Alfred. So, are you seeing him with a girl? May girlfriend na ba siya? Nililigawan? I told you to keep an eye on him." Sabi ni Ma'am.

BINABASA MO ANG
Just Be Mine [Completed]
Teen FictionChloe and Lucas had been a normal couple for the past months. Until one day, Chloe noticed that Lucas was just being too cold to her. She then later finds out that Lucas had another girl. That other girl was named Bea which had a different boyfriend...