Chapter 47

5.5K 130 16
                                    

A/N: Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Please correct me if you see any typos :) Mahaba haba na po to.

Chapter Dedicated too: Spiddykams_
Comment for Dedications.

Clara Marquez at the Media! :D ->

(Join our group on facebook for the ones who would like!)

DiamondAlpha

-----------------------------

CHAPTER 47

CHLOE's PoV

8pm na at tapos ko na ang lahat ng trabaho ko.


Palabas na sana ako ng mansion nila Alfred ng may narinig akong kalabog. Natuon ko ang pansin ko sa Dining Room. Mukhang doon galing 'yung kalabog.


Palapit ako ng palapit sa may pintuan ng Dining Room at palakas ng palakas ang naririnig kong mga boses.


Sisilip na sana ako sa pintuan nang may humila sa'kin.


Napalingon ako sa humila sa kamay ko. Si Leah pala. Sumenyas siya na manahimik lang ako at agad naman akong tumango.


"Anong nangyayari?" pabulong kong tanong kay Leah.


Nagkibit balikat siya bago sumagot. "Sa pagkakaalam ko nag-uusap lang sila tapos biglang nagalit si Sir Roberto..."


Napakunot naman 'yung noo ko at nanahimik muna. Pati si Leah hindi na din nagsalita at nakinig nalang kami sa pinag-aawayan nila sa loob.


"I won't do it dad!" boses ni Alfred.


"I am your father and you will obey as I said!" boses din naman ni Sir Roberto.


"Alfred! Roberto! Stop! Not in front of the food!" boses ng pagpipigil ni Ma'am Clara sa'kanila.


"You will marry their daughter whether you like it or not!" boses nanaman ni Sir Roberto. Mukhang hindi nila pinansin ang pagpipigil sa'kanila ni ma'am Clara.


Napatigil ako ng marealize ko ang sinabi ni si Reberto. W-wait. Marry? Ikakasal si A-Alfred sa iba?


Nakarinig nanaman kami ng isang malakas na kalabog. Na para bang suntok sa lamesa.


"NO! You can't tell me what to do, and you can't just tell me who to MARRY!" boses ulit ni Alfred. At ramdam na ramdam ko ang pagkainis niya.


Hindi ko maintindihan ang nangyayari. Bakit ba sila nag-aaway? S-Sinong papakasalanan ni Alfred?


Nakakita kami ni Leah ng isang anino na papalit sa gawi namin. Kaya agad naman kaming umiwas at lumayo sa pintuan na para bang napadaan lang.

Just Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon