Author's Note:
This is it guys. The last of this story! Thankyousomuch for all the support! Mula sa pagbasa sa prologue nito hanggang dito. Because of that, this Epilogue is dedicated to all of you. Marami nagrerequest ng mga dedication para dito pero I turned them down dahil gusto ko talaga to idedicate sa LAHAT ng nagbabasa ngayon.❤️ Enjoy Reading JBMiners! Follow niyo ko sa instagram! Hehe. Username: supiyuuhhWarning: Do not expect much in this Epilogue. I'm really bad at endings. Really. Bad.
---------
Epilogue
Chloe's PoVNamulat ko ang mga mata ko dahil sa liwanag na nanggagaling sa bintana ng kwarto ko.
Tumayo ako. Nakasando lang ako at blue na pajama. Nagsuot muna ako ng jacket dahil bigla akong nakaramdam ng lamig.
Isang linggo na ang nakalipas.
Sinasanay ko palang ang sarili ko dito sa America.
Narito lang ako ngayon sa bahay namin. Nahuhumaling talaga ako sa laki ng bahay na 'to. 'Di ako makapaniwalang nakatira na ako dito.
Dito na rin muna tumira si Zoe. Sabi kasi ni Mama at Papa na dito daw muna siya dahil ngayon na lang ulit kami nakumpleto.
Napag-alaman ko kasi na may sarili na pala silang bahay nila Alfred.. Tungkol nga pala sa kasal nila, ewan ko kung tuloy pa.. Wala naman na kasi akong nababalitaan.
Speaking of Alfred, hindi niya pa rin ako napapatawad o naiintindihan. Tuwing pupunta siya dito sa bahay para 'daw' tignan si Zoe, umiiwas siya.
Minsan nga naiiyak nalang ako dahil parang wala nang pag asa eh.
Naisipan kong lumabas ng kwarto para kumain sa kusina ng almusal. Bumaba ako ng hagdanan para pumunta sa dining room.
"Goodmorning Ma'am." Bati sa akin ng isa naming maid.
Nginitian ko lang siya nang magkasalubong kami.
Naaalala ko tuloy yung mga araw na nagtatrabaho ako bilang maid..
Tumungo ako sa kainan at may nakita akong nakaahing mga pagkain.
Kumuha na ako at naglagay sa plato. Naupo ako at nagsimulang kumain.
Biglang may napansin ako. Napatayo ako at tumingin tingin sa labas ng dining room.
"Asan po sila Mama at Papa? Si Zoe?" Natanong ko sa isa sa mga maids na dumaan.
Napatigil sa paglalakad ang maid na pinagtanungan ko at hinarap ako.
She shrugged at umiling. "'Di ko po alam eh basta po lumabas." Sagot niya.
Tumango na lang ako at umalis na siya sa harap ko.
Ang weird ah? Day off naman yata nila Mama tapos si Zoe siguro lumabas lang kasama ang mga kaibigan niya.
Napatigil ako sa pag-iisip nang may napansin ako sa isang pintuan.
Lumapit ako malapit don at napatingin sa sahig. Huh?
BINABASA MO ANG
Just Be Mine [Completed]
Teen FictionChloe and Lucas had been a normal couple for the past months. Until one day, Chloe noticed that Lucas was just being too cold to her. She then later finds out that Lucas had another girl. That other girl was named Bea which had a different boyfriend...