CHAPTER 23
Chloe's PoV
Nandito pa din kami ngayon ni Alfred sa cafeteria. Kakadala niya lang ang mga pagkain na inorder niya at ngayon kinakain na namin.
Nagulat kaming dalawa ni Alfred ng sa kalagitnaan ng pagkain naming ay bigla kaming nakarinig ng bagsak ng isang susi. Napatingin kami sa kung saan nanggaling 'yun. Si Brandon pala.
"Bro! Ayan na susi mo. Pasalamat ka, nahanap ko."
Hinablot naman ni Alfred ang susi na nilapag ni Brandon at binulsa.
"Thanks. Where did you find it?" sagot ni Alfred kay Brandon.
Naupo muna siya sa tabi namin. Tapos nilapag 'yung dala niyang tray. May dala rin pala si Brandon na pagkain niya.
"Sa table niyo lang din nila Sabrina. Good thing at hindi nila kinuha." Sagot ni Brandon.
"Ah, ge thanks talaga bro."
"Eh 'yung motor ko?" tanong ni Brandon kay Alfred.
"Nasa parking lot." Sagot ni Alfred saka inabot ang susi na pinahiram kahapon ni Brandon.
"Ahh." Sabay tango ni Brandon tapos binulsa ang susi.
Nagsimula na ulit kami kumain.
"Nga pala, what happened? Nalate kayo ng uwi kahapon?" tanong sa amin ni Brandon.
"Medyo."
"Napagalitan ka? Kayo?" tanong ulit ni Brandon.
"Hindi." Sagot ko.
"Ohs? Hindi kayo pinagalitan, dinga?" hindi makapaniwalang tanong niya.
"O'nga. Kasi may magaling na palusot si Alfred." Sagot ko ulit.
"Ano naman ang sinabi mo sa mama mo?" tanong naman ni Brandon kay Alfred.
"Sabi ko we had a theatre play in school. And she bought it. Haha" sagot ni Alfred.
Tumango-tango nalang naman si Brandon.
"And how's your fiancée?"
Nagdeathglare naman kaagad si Brandon kay Alfred dahil sa tanong niya.
"Don't wanna talk about it. And she's not my fiancee!" Sabay subo ni Brandon ng kanin na parang bata.
Napa-iling na lang si Alfred ng nakangiti. Hindi na siya nagsalita at kumain na lang.
Mga ilang minuto pa ng pagkain namin dito sa cafeteria, natapos din kami. Nagsitayuan na kami at nagpaalam sa isa't isa. Pero siyempre kami ni Alfred magkasama pa din. Si Brandon pumunta na sa classroom niya.
"Wala pang time." nasabi ko.
Maaga pala kami natapos kumain.
"Where do you want to go in the mean time?" tanong ni Alfred.
"'Dun na lang! Sa fountain? Upo na lang muna tayo habang nag-aantay tayo ng time." Sagot ko.
"Sure tara."
"Teka, wala ka bang ibang gagawin? Requirements ganun?" natanong ko.
"Wala naman." Sagot niya.
"Ah okay, tara na sa fountain." Sabi ko.
Tapos naglakad na kami papunta sa fountain nitong school. Naupo na kami kung saan man may bakanteng space. May mga nakaupo din kasi don.
BINABASA MO ANG
Just Be Mine [Completed]
Teen FictionChloe and Lucas had been a normal couple for the past months. Until one day, Chloe noticed that Lucas was just being too cold to her. She then later finds out that Lucas had another girl. That other girl was named Bea which had a different boyfriend...
![Just Be Mine [Completed]](https://img.wattpad.com/cover/27920669-64-k244937.jpg)