Bea at the Media--->
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter dedicated to: Moshiebabes07 :)
Comment for more Dedications.
DiamondAlpha
---------------------------CHAPTER 5
Chloe's PoVNaramdaman 'kong may yumuyogyog sa'kin. Napamulat ako at nakita ko si Auntie na ginigising ako. Ang sakit ng mata ko. Umaga na pala.
"Chloe gising na. May pasok pa."
Tinatamad ako. Parang ayoko pumasok.
"Auntie... pwedeng hindi po muna ako pumasok? M-Masakit po kasi ulo ko."
Hindi naman talaga masakit ang ulo ko. Ang totoo ang puso ko ang masakit. Masakit na masakit ang puso ko.
"Alam ko'ng hindi totoo 'yan. Chloe... hindi porke sinaktan ka ng isang tao sa pag-ibig ay magkakaganyan ka na. Huwag mong kalimutan ang pag-aaral mo hija. Pumasok ka."
Alam na alam talaga ni auntie kapag nagsisinungaling ako at hindi. Kilalang kilala niya ako. Natauhan naman ako sa mga sinabi niya. Tama! Dapat walang maapektuhan ang sakit na binigay ni Lucas lalo na sa pag-aaral ko.
Nagbuntong hininga ako.
"Sige po."
"Good. Sige pagkatapos mo mag-ayos pumunta ka sa kusina at kumuha ng kahit dalawang pandesal. Huwag palipas ng almusal."
Tumango ako kay Auntie. Matamlay akong tumayo. Grabe, magang maga ang mga mata ko kakaiyak. Lumabas na si Auntie ng kwarto ko. Kinuha ko na ang twalya ko sa cabinet. Lumabas ako ng kwarto at pumunta sa CR.
Pagkatapos kong maligo siyempre nagbihis na ako. Ginawa ko na lahat ng mga ginagawa ng studyante tuwing umaga. Pagkatapos kong mag-ayos pumunta na 'kong kusina.
Nakita ko si Auntie na umiinom ng kape at nakaupo. Tumabi naman ako sa kanya.
Kumuha ako ng isang pandesal lang. Wala kasi akong ganang kumain. Pinilit 'kong kainin ang isang pandesal. Tapos uminom lang ako ng tubig. Sapat na 'yan bilang almusal ko.
Pumunta na ako sa lababo at nagtoothbrush. Tapos kinuha ko na 'yong bag ko.
"Sige Auntie. Pasok na po ako."
Liningon naman ako ni Auntie.
"Sige Chloe mag-ingat ka."
Lumabas na ako ng apartment namin.
Sinimulan ko nang maglakad papuntang school namin. Wala nang maghahatid sa'kin. Wala na si Lucas na makikita ko sa labas ng apartment namin para sabay kaming pumuntang school. Wala na.
Pagkadating ko sa school dumiretso kagad ako sa room ko. Nasa harap na 'ko ng room ko. Dati may goodbye kiss ako bago pumasok ng room. Ngayon wala na.
Pagpasok ko sa room naupo ako sa upuan ko. Tahimik lang ako at tulala.
"What's wrong chloe?"
Napatingin ako sa nagsalita. May isang classmate na pala na nakapansin sa'kin. Umiling ako at ngumiti ng maputla.
"Nothing. I'm fine."
Nginitian ko siya. Kailangan 'kong maging masaya. Kailangan 'kong hilumin ang sakit. Dahan dahan niya akong tinanguan. Halatang hindi siya naniniwala sa sinabi ko. Good thing hindi na siya nagtanong pa. At dumating na ang prof namin.
BINABASA MO ANG
Just Be Mine [Completed]
Teen FictionChloe and Lucas had been a normal couple for the past months. Until one day, Chloe noticed that Lucas was just being too cold to her. She then later finds out that Lucas had another girl. That other girl was named Bea which had a different boyfriend...