A/N: Hi JBMiners! Sensya kung ang pinaghihiwalay ko ang ChloFred XDXD HAHA, Anyway, salamat at andaming nagcomment sa last chapter! Wii~ Ginanahan tuloy akong Mag-update <3 Chapter dedicated to: FaithyChoi. You are one of my faithful readers. :>
Vote&Comment please. Thankyousomuch! Enjoy reading.
--------------------------
CHAPTER 52
CHLOE's PoV
"Chloe is it real?! Wala na kayo ni Alfred?!"
Umagang umaga palang, kinukulit na ako nila Bea, Brandon at Lucas dito sa school. Hindi kasi sila makapaniwala sa natanggap nilang balita tungkol sa pag-alis ni Alfred at sa pagpayag niya sa kasal.
Napilitan akong pumasok dahil kay Auntie. Ayoko talagang pumasok at gusto ko lang umiyak magdamag. Puyat na puyat ako sa kakaiyak kagabi kaya ngayon pugtong pugto ang mata ko.
Alam na ni Auntie. At pinagalitan niya nanaman ako dahil sa maling pagmamahal ko. Madami pa siyang sinabi kagabi. Pero dahil sa kakaiyak ko, halos di ako nakinig sa mga sinasabi niya.
Ang tamlay tamlay kong kumilos ngayon at hindi ko rin maayos ang pagsagot ko sa mga taong kumakausap sakin.
Nasasaktan parin ako dahil sa ginawa ko kahapon kay Alfred. Sa pagsisinungaling ko sakanya. Lalo na at nalaman kong ngayon ang alis ni Alfred papuntang amerika.
Ang sakit talaga. Mas masakit sa niloko ako dati dahil ngayon ako ang nanloloko sa taong mahal ko. Para naman ito sa kapakanan namin e.
Gusto nanaman tuloy tumulo ng luha ko.
"Chloeee!"
Bigla akong nabalik sa wisyo ng nakita kong niyugyog ako ni Brandon.
Napatingin lang ako sakanya nang walang emosyon.
"Ano bang nangyari sainyo ni Alfred?" Nag-aalalang tanong nila.
Ayokong sumagot. Pero kailangan para mapatahimik ko sila.
"Naghiwalay." Simple kong sagot at itinuon ko ang tingin ko sa iba.
"Bakit?!" Sabay sabay nilang tanong.
Naiiyak nanaman talaga ako. Di ko na napigilan at tumulo nanaman ang luha ko. Wala akong pakealam kung nasa school ako basta gusto kong umiyak.

BINABASA MO ANG
Just Be Mine [Completed]
Teen FictionChloe and Lucas had been a normal couple for the past months. Until one day, Chloe noticed that Lucas was just being too cold to her. She then later finds out that Lucas had another girl. That other girl was named Bea which had a different boyfriend...