Chapter 6

10.4K 341 88
                                    

Magandang si Chloe ang nasa media--->

Update ako ngayon! Haha. Love the date today xD 12/13/14.
The Heirs Telenovela Inspired! haha.
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Dedicated to: Nicaellaaaa

Comment for more Dedications.

DiamondAlpha 
---------------------------

CHAPTER 6
Chloe's PoV

"Pinapalayas na tayo ng apartment."

"PO? Bakit po?!"

Halos mahulog ko ang cp ko dahil sa gulat. Pinapalayas na kami ni Aleng Bebang! Hindi na siya naawa. Wala kaming mapupuntahan. Wala kaming titirhan.

"Pasensya na chloe hindi ko pa din kasi mabayadan ang upa. Pinapalayas na tuloy tayo ni Aling Bebang... Pero may lilipatan na tayo."

"Saan naman po?"

"Sabihin ko na lang mamaya kapag nandito ka na Chloe. Dalian mong magimpake at highblood masyado si Aleng Bebang."

"Sige po Auntie."

Pinatay ko na ang tawag. Dali dali akong lumapit kay Alfred na kasalukuyang nakaupo sa bench dito sa garden ng school. Nakabeats siya at halatang nakikinig ng kanta. Tinanggal niya ang suot niyang beats at nilagay niya sa leeg niya ng makita niya ako.

"Una na ako." Paalam ko sakanya.

Tumango siya at sinuot ulit ang beats niya. Sumandal din siya sa bench.

Agad agad naman akong pumunta ng classroom ko. Pagkadating ko lahat ng tao may kaniya kaniyang mundo. Pumasok ako at naglakad papuntang upuan ko. Pasimple kong hinablot ang bag ko. Agad akong lumabas na ako ng classroom ang naglakad papuntang gate.

Malapit na ako ngayon sa gate. Mabuti at bukas pa. Tinignan kong mabuti ang Guard. Nasa loob siya ng Guardhouse. Buti nalang at parang inaantok antok siya. Wala kasi masyadong tao dito sa gate ngayon. Patapos na din kasi ang Lunchbreak.

Nang makasigurado akong nakapikit na siya dahan dahan akong naglakad patungong gate. Nakatingin lang ako sa Guard at mahirap na baka biglang bumukas ang mata niya at mahuli ako. Bigla na lang akong tumakbo palabas. Success! Nakalabas din ako.

Mabilis akong naglakad papuntang village namin.

Malapit na ako sa apartment at nakita ko si Auntie sa labas.

"Auntie!"

Tumakbo ako papalapit sa kanya. Nakita ko ang tatlong malalaking bag sa tabi niya. May suot din siya na sling bag sa shoulder niya.

"Oh Chloe! Ang tagal mo kaya inayos ko na din ang gamit mo. Masyado kasing masama si Aling Bebang at pinaaalis na kagad tayo."

"Grabe naman po siya..."

"Oo nga e. Nga pala, may lilipatan tayo. Sa bahay ng boss ko sa Bakery. Ang sabi ni Ma'am sa akin may maliit na apartment daw sa likod ng bahay nila na pwede nating paglipatan. Libre na daw basta't maging Chef ako at maging maid ka sa bahay nila. Gabi ka lang naman magtratrabaho do'n Chloe kasi alam nilang may pasok ka. Okay lang ba sayo chloe?"

Tumango tango ako kay Auntie.

"Oo naman po! Basta po para may matirhan tayo." Sagot ko.

Nginitian naman ako ni auntie at nagpasalamat.

"O siya, tulungan mo na 'kong buhatin 'tong mga 'to at magtaxi na tayo papunta sa bahay ng Boss ko."

Tinulungan ko naman ka'gad si Auntie'ng bitbitin ang mga bag na malalaki. Nagsimula kaming maglakad palayo sa apartment.

Just Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon