Chapter 15

9.2K 284 57
                                    

Brandon Coladilla at the media--->

Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Chapter Dedicated to: Besh PurpleEnchanted :)

Comment for more Dedications.

Btw, may mga Facebook accounts na po ang mga characters. Message me for their names.

DiamondAlpha
---------------------------

CHAPTER 15
Chloe's PoV

"Chloe? Son? What's happening here?"

Parang gusto kong lamunin na ako ng washing machine dito sa laundry room. Fudge! Andito si Ma'am Clara na takang taka ang tingin sa'min ni Alfred with matching kunot-noo pa. Bakit kasi dito pa kami nag-usap ni Alfred! Nako, patay. Narinig kaya ni Ma'am lahat ng pinagsasabi namin? Wa! Sana hindi.

"Anong sinabi mo kay Chloe, Alfred? Nagseselos ka about what? At ano pa 'yon? Hindi alam ni who na boyfriend ni Chloe si Alfred? What on earth is happening here!?"

Pumasok si Ma'am Clara dito sa laundry room at nagcross hands. Hindi pa rin nawawala ang kunot noo ni Ma'am.

Umiwas ako ng tingin. Oh fudge nakakahiya!

"Nothing Mom. We were just practicing."

Napatingin ako kay Alfred ng sinabi niya 'yan.

"Practicing?" tanong ni Ma'am sa'min.

"A play. Partner kasi kami ni Chloe sa isang play at school. We were just practicing with no scripts for us to memorize."

Bilib na ako kay Alfred. Nakayanan niyang makaisip ng dahilan kay Ma'am Clara. Hindi pa siya nautal ha. Pacool lang siya habang sinasabi 'yan. Paniwalang paniwala.

Tumingin ako kay Ma'am at parang hindi pa din siya satisfied sa mga sinasabi ni Alfred.

"O-Opo. Nagprapraktis lang po kami." Sabi ko na rin ma'am.

"In here? Laundry room?" takang tanong ni Ma'am.

"Kasi po... Ano... Umm---"

"Ma' naglalaba kasi siya dito. We decided to practice while she does the laundry para maperfect namin ang play." Tinuro pa ni Alfred ang mga damit habang sinasabi 'yan.

"Hmmm. Alright. Pero sana naman Alfred inantay mo siyang matapos maglaba before you practiced." Sabi ni ma'am.

Thank goodness napaniwala namin si Ma'am!

"Oo nga S-Sir Alfred! Dapat pinatapos mo po muna ako maglaba..." umakting ako kay Alfred. Para mas maniwala si Ma'am.

"Saka it's Friday guys. May Saturay and Sunday pa for your practices." Sabi pa ni Ma'am Clara.

"O-Oo nga ulit! Atat po kasi masyado si Sir Alfred!" pag-sang ayon ko ulit. Tinignan ko naman si Alfred.

Inirapan naman ako ni Alfred.

What the fudge?

Tapos tumingin na siya kay Ma'am Clara.

"Okay, fine. Let's practice some other day. Sige ma' taas na ako sa kwarto ko." Pagpaalam ni Alfred.

Umalis na si Alfred bigla sa Laundry Room. Parang iritadong iritado pa din siya. Hindi man lang kami nakapagbati. Galit pa din ba siya?

Naiwan na kami ni Ma'am Clara dito sa Laundry room.

Just Be Mine [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon