Chloe and Lucas had been a normal couple for the past months. Until one day, Chloe noticed that Lucas was just being too cold to her. She then later finds out that Lucas had another girl. That other girl was named Bea which had a different boyfriend...
Leave comments and votes after reading! Thank you. :]
Comment for Dedications.
DiamondAlpha ---------------------------
CHAPTER1 Chloe's PoV
"TAXI!"
Sumigaw ako sa taxi pero may nakasakay na pala. Dinaanan lang ako at tinalsikan pa ng tubig.
Naman the weather. Ang lakas lakas ng ulan. Nalate pa ako ng uwi dahil may ginawa pa kami sa school. Lampas 6pm na. Medyo madilim na din. Hindi naman ako maihatid ng boyfriend ko na si Lucas dahil naunang umuwi. Masakit daw kasi ang katawan niya kakabasketball.
Kaya eto ako ngayon, mag-isa. Basang basa sa ulan. May payong naman ako pero maliit nga lang. Tapos napakalakas ng ulan kaya nababasa pa rin ako.
Maglalakad lang naman dapat ako e. Pero sa sobrang lakas ng ulan naisipan kong magtaxi. May singkwenta pa naman ako e. Ang kaso, wala man lang dumaang taxi na walang sakay. Grabe. Ang malas malas ko.
Pa'no na ako makakauwi ne'to?
Nakakita ako ng waiting shed. Agad agad naman akong pumunta don. Sinarado ko yung payong ko. Walang tao sa waiting shed kundi ako lang. Naupo muna ako. Rinig na rinig ko ang malakas na pagpatak ng ulan.
"Ulan tumigil ka naman na oh..." bulong ko.
Tumingin tingin ako sa paligid pero wala talagang taxi. Ginaw na ginaw na ako.
Nilabas ko yung lumang nokia cp ko. Fudge. Malas talaga. Walang signal. Ayaw magtext. Binulsa ko na lang ulit. Nagstay ako sa waiting shed for 15 minutes. Nung nainip ako tumayo na ako at binuksan ang payong ko. Nagsimula na akong maglakad palayo sa waiting shed.
Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
Sa paglalakad ko sa hindi kalayuan, nakatanaw ako ng dalawang tao.
Babae at Lalaki. Nakauniform sila ng pangschool namin so it means schoolmates ko ang mga 'to. Wala silang mga payong. Nagpapaulan sila dito sa gitna ng kalsada.
Nakita kong niyakap ng babae yung lalake. Pilit namang tinatanggal ng lalaki yung yakap ng babae.
What a scene. Nakikita ko ding nagsisigawan sila pero hindi ko sila madinig. Ang lakas ng ulan at malayo ako sa kanila.
Hanggang sa iniwan na ng lalake yung babae. Nakita kong naiwan yung babaeng humihikbi at nakayuko. Hindi din ba siya aalis tulad nung lalaki? Tatayo lang siya diyan?
Hindi na ako nagdalawang isip at tumakbo palapit sa babae. Pinayungan ko siya. Nakayuko padin siya pero nung napansin niyang wala ng tumutulong ulan sa kanya unti unti niya 'kong nilingon.
"S-Sino ka?" tanong niya.
Nanginginig siya at halatang umiiyak. Basang basa siya lalo na ang damit niya. Yung make up niya nagkalat sa mukha niya.