KIKO'S POV
"Si Mackie...." Bigla niya akong kinurot sa likod ko, "Aray!"
"Ehem JAckie ehem."
"Si Jackie pala." Sumama yung tingin sa'kin ni Thyro. Sarap talagang asarin nitong si Thyro.
"No. Jackie please tell me he's not your boyfriend."
"Siya nga boyfriend ko, saka wala ka naman ng karapatan na sabihan ako ng ganyan hindi ba?" This is interesting.
I smirked, "Small world nga, 'di ba Thyro?" Hindi siya sumagot, "Let's go babe. Naistorbo pa ang date natin."
Biglang may sumipa sa likod ko, "Tang-na mo, Kiko! Sabi mo wala ka ng gagawin kapag ginawa ko 'yon?! Ano 'to?!"
Tumayo ako at sinuntok si Thyro. Hinawakan ko 'yung kwelyo ng damit niya, "Siya ang lumapit sa'kin, hindi ko na kasalanan kung tanga 'tong syota mo." Binitawan ko siya atsaka naglakad palayo.
Hindi ko akalain na ang dating girlfriend pa pala ni Thyro ang lalapit sa'kin. Mapapadali lang pala ang paghihiganti.
"Kilala mo si Thyro? Paano? Eh sa ibang school siya nag-aaral." At hindi ko rin alam kung paano nagustuhan no'ng lalaking 'yon itong babaeng 'to dahil napaka daldal!
"Ano ba akala mo sa'kin hindi marunong makipagkilala?"
"Ah oo nga pala! Magaling kang magpanggap. Kaya hindi na ako magtataka kung magkakilala kayo ni Thyro. Iba talaga kapag plastik."
Ngumisi ako at tiningnan siya, "Wala na 'yung syota mo kaya pwede bang umalis ka na? Sunod ka pa ng sunod eh. Parang kang aso."
"Dating syota. Paano ako aalis, eh dito rin ang daan ko. Masyado ka namang assuming." Inunahan niya ako maglakad. Napahiya pa ako doon ah.
JACKIE'S POV
Nadaanan ko ulit 'yung eskinita kung saan ko sinundan si Kiko, kinakabahan na tuloy ako kapag dumadaan dito. Baka kasi mamaya biglang may mag-away puro pang gabi pa naman 'yung schedule ko.
Pagkauwi ko sa bahay narinig ko nanamang nagsisigawan si Mama at Papa. Pumasok ako sa loob, "Bakit kasi hindi na lang kayo maghiwalay, mas mapapadali pa ang buhay niyo." Sabi ko.
Umiiyak na naman si Jarine dahil sa kanila. Kabata pa lang ng kapatid ko nakikita niya na agad 'to. Lumapit siya sa'kin at niyakap ako, "Ate kailan ba sila titigil?"
"Siguro kapag may namatay na sa kanila." Bulong ko sa sarili ko. Hinila ko siya papunta sa kusina, "May niluto ba si Mama?"
"Oo, pero hindi niya nalagay 'yung mga gulay kasi dumating na si Papa."
Binuksan ko ang kalan at nagsimula ng magluto, "Pumunta ka muna sa kwarto mo, pupuntahan na lang kita kapag luto na 'to."
Hinawakan niya ang kamay ko, "Ate 'wag ka makikisali sa kanila ha?" Tumango ako tapos umakyat na siyas sa taas.
Pinuntahan ko si Mama na umiiyak nanaman, "Bakit ba linggo linggo na lang? Hindi niyo ba alam na naapektuhan si Jarine? Okay lang sana kung ako lang ang anak niyo eh, naiintindihan ko pa. Pero si Jarine ang bata niya pa tapos eto ang pinapakita niyo sa kanya? Bakit kasi hindi na lang kayo maghiwalay."
Lumapit sa'kin si Mama at hinawakan ang kamay ko, "Anak 'wag ngayon."
"Ma kailan ba ang gusto mo? Kapag nawala na ako? Mas matatanggap namin kapag naghiwalay na kayo! Kasi naman Papa bakit kasi hindi ka pa sumama sa babae mo ng matapos na 'to!" Bwisit na buhay 'to. Kung pwede lang lumayas matagal na ko ng ginawa, pero kasi si Jarine. Siya ang rason ko kung bakit andito pa ako ngayon.
BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.