11

120 12 4
                                        

JACKIE'S POV



Hindi ko talaga alam na allergic siya sa nuts. Nanginginig yung kamay ko kapag nagsusulat ako at hindi ko rin naiintindihan yung sinasabi ng prof namin. Noong natapos na yung klase namin nag-text agad ako kay Yves kung saang hospital si Kenneth buti nagreply siya agad.



Kumatok muna ako bago pumasok at nakita ko si Kenneth lang yung tao sa loob, "Kenneth sorry." 'Yon agad yung lumabas sa bibig ko noong nakita ko siyang nakahiga sa hospital bed.


Nagulat siya sa sinabi ko, "Kasalanan ko, 'wag kang magsorry." Namumula yung mukha niya.


"Hi-hindi eh. Kasalanan ko talaga. Wala akong alam sayo tapos lahat na lang ng gawin ko ko sa'yo may nangyayaring hindi maganda. Dapat hindi na lang ako nabuha-"


Tinakpan niya yung bibig ko gamit yung hintuturo niya, "Ang daldal. Hindi nga sabi. 'Di ba ginawa mo 'yung pagkain na yon para sa'kin? Kaya dapat kainin ko 'yon."


"Kung allergic ka naman dapat tinapon mo na!" Sigaw ko sa kanya. Kasi kung may nangyari sa kanya mawawalan na ako ng karamay sa mga problema ko.


"Ayoko nga itapon kasi nga galing sa'yo 'yon." Mahina niyang sabi.


"Kikiligin na ba ko? Eh kung mamatay ka naman kapag kinain mo para saan pa kung kanino galing 'di ba?"


"Oo na po, boss. Hindi na po uulitin."


"Dapat lang. Kasi kung mawala ka ngayon sa tabi ko hindi ko na alam gagawin ko." Naiiyak na sabi ko.


Lumapit siya sa akin at hinawakan yung magkabilang pisngi ko, "Oh iiyak ka na naman. Hindi naman kita iiwan eh, mahalaga ka na rin sa akin kaya hinding hindi kita iiwan." Ngumiti siya.


Napangiti naman ako at hinawi ko yung kamay niya, "Ano ba mga pagkain na bawal sa'yo?"



Nagusap kami about sa likes and dislikes namin para wala ng mangyari pang masama. Napaka mapili pala ni Kenneth sa pagkain. Kaya plano ko ipakain sa kanya lahat ng ayaw niyang pagkain na pwede naman niyang kainin pero ayaw niya lang yung lasa.



"Picture tayo." Sabi ni Kenneth.


"Para saan.... Nabuksan mo na 'yung regalo ko?!"


"Oo, ayos ka rin mag-effort sa regalo ha."


"Magdamag ko kayang nilagyan ng designs yung pages nun! Saka sabi ko doon ilalagay mo lang yung mga special moments sa buhay mo sa scrap book 'di ba?"


"Hindi ko alam na ginagawa mo pala akong bakla sa regalo mo. Pang babae kasi eh, pero ayos lang. Nagustuhan ko naman. Saka special day ngayon kasi muntikan mo na akong mapatay." Pinalo ko siya sa braso, "Joke lang!"

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon