JACKIE'S POV
May training ako sa Subic para sa maging flight attendant for three weeks. Pinasok kasi ako ni Tita Wenna through her friend. Ngayon kasi start no'n kaya medyo kinakabahan ako sa mga magiging kasama ko. Parang bang takot na ako sa mga tao simula no'ng nangyari 'yon.
"Iiwan ka na namin ha?" Sabi ni Papa habang binababa 'yong maleta ko.
"Pa parang hindi ko pa po kaya." Kinakabahan na sabi ko.
May humawak sa balikat ko, "You can do it. Para 'to sa pangarap mong maging flight attendant 'di ba? Atsaka isang tawag mo lang sa'min ng Papa mo pupuntahan ka namin agad dito." Sabi ni Tita Wenna. Alam ko naman na para rin 'to sa kinabukasan ko kaya kailangan kong kayanin.
Hinatid agad ako ng mga crew sa magiging kwarto ko. No'ng pagpasok namin nagulat dahil sobrang laki ng kwarto at may mga lalaki na nakahubad. Akala ko all girls sa isang kwarto?
Hinawakan ko 'yong nag-assist sa'kin, "Bakit po may mga lalaki sa kwarto?"
"Ganito talaga dito. Magkakasama ang babae at lalaki dahil mas makakatipid. Doon pala 'yong higaan mo sa pinaka dulo." Sumigaw siya kaya huminto 'yong mga tao sa mga ginagawa nila, "May bagong salta! Ingatan niyo 'to at baka kapag may nangyari dito e baka goodbye training na kayo." Tumango naman sila tapos pinagpatuloy 'yong mga ginagawa nila.
Huminga ako ng malalim tapos nag simula ng maglakad papunta sa higaan ko. No'ng malapit na ko may humiga na lalaki do'n na walang suot na pang taas na damit.
"Uhm, excuse me lang po." Sabi ko.
Tiningnan niya ako pero banaling niya ulit sa babaeng kausap niya kanina, "Bago 'to?" Tiningnan ako no'ng babae tapos inirapan atsaka tumango.
Tumayo na 'yong lalaki, "Thank you." Sabi ko tapos umupo na sa higaan para ayusin 'yong gamit ko sa maliit na drawer sa tabi.
"Kulang ka sa height ah. Buti napasok ka dito." Napairap na lang ako sa sinabi niya. Nakita kong may binulong sa kanya 'yong babaeng pinagtanungan niya lang kanina. 'Yong ekspresyon ng mukha niya parang nagulat, "Totoo ba 'yan?! Eh paano ba 'yan anak ako ng isang airline edi walang laban sa'kin 'to. Ako pa rin ang hari dito."
Ang yabang naman ng lalaking 'to. E ano naman kung anak siya ng may-ari ng isang airline? Kailangan niya pa bang iparinig?
Habang inaayos ko 'yong maleta ko tumabi siya sa'kin tapos inakbayan ako, "Anak ka pala ni Ninong Marco kaya pala napasok ka agad dito." Tinanggal ko 'yong pagkaka-akbay niya, "Well wala ka pa namang alam dito. I will tour you around after you arrange your things. Kinakapatid naman kita kaya magiging mabait ako sa'yo ngayon."
"Hindi ko kailangan ng tour guide." Matigas na sabi ko habang sinasara ko 'yong maleta ko.
BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.