2nd half -- 1

123 6 6
                                    

JACKIE'S POV



"Welcome to Batanes!" Masayang bati ko sa mga turista na sinundo ko sa airport.


"It's really a beautiful place." Sabi nung babae. Dalawa kasi sila at mukhang mag-asawa pa, "Pwede na tayo pumunta sa hotel?"


"Opo! This way po."



Sa walong buwan kong pamamalagi dito sa Batanes kabisado ko na yung mga tourist attractions at ginawa akong tour guide ni Tito Phillip sa resort nila. Masaya ako na inaalagaan kami ni Tito Phillip at parang naging tatay ko na rin siya kahit na hindi niya ako anak.



Nung nakarating na kami sa resort hinatid ko na sila sa kwarto nila at ako naman kakain na ng umagahan kasi after kong kumain susunduin ko ulit silang dalawa para sa unang lugar na pupuntahan namin.



"Ate!" Tawag sa'kin ni Jarine kaya tinigil ko yung pagkain ko.


"Ba't hindi ka pa pumapasok? 'Di ba Christmas party niyo ngayon?"


"Si mommy kasi hindi pa dumarating nasa kanya kasi yung regalo na ibibigay ko sa kaibigan ko."


Tinignan ko yung relo ko tapos binilisan ko ng kumain, "Kailangan ko ng umalis. 'Wag kang magpa-late sa party ha!" Nilagay ko sa lababo yung pinagkainan ko at nagmadaling lumabas ng bahay.



Malapit na mag-pasko ibig sabihin nun malapit na rin akong pumunta sa Manila para doon mag-celebrate ng pasko kasama si Papa, Tita Wenna at syempre yung baby sister ko.



Pumunta kami sa souvenir shop, "Nako Jackie! Mukhang ikaw na yata ang susunod sa tinu-tour mo ngayon ah!" Sabi sa'kin ni Aling Kor na may -ari nito.


"Hay nako Aling Kor wala pa sa isip ko yang mga ganyan."


"Kasi naman Jackie sagutin mo na kasi yung anak ko. Simula nung bagong dating ka dito pinopormahan na nun eh." Sabi ko na nga ba sasabihin niya na naman yan. Tuwing pumupunta kasi ako dito sa tinadahan niya puro yun na lang ang sinasabi niya sa'kin, "Ang ganda ganda mo. Tapos sikat naman yung anak ko dito sa Batanes. Bakit hindi mo masagot?"


"Eh kasi nga po Aling Kor wala nga sa pag-iisip ko yang love life na yan." Tinignan ko yung mag-asawa na hinihintay ako, "Sige ho alis na ako."


Sumigaw si Aling Kor, "Pumunta ka dito bukas birthday ni Yan-yan!" Nag-okay sign ako.



Pagod akong umuwi sa bahay kasi naging ako yung photographer nung mag-asawa. Lagi na lang akong ginagawang photographer ng mga dayo dito.



Pumunta ako sa kwarto ko tapos binuksan ko yung laptop ko. Nag-play ako ng song, yung favourite song ko.

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon