4

108 6 4
                                    

JACKIE'S POV



Nagmadali akong lumabas ng kwarto pero bigla niya akong niyakap sa likod, "Please Jackie. Pakinggan mo lang ako."


"Bitawan mo ko, Kiko." Tinatanggal ko yung kamay niyang nakapalupot sa bewang ko.


"No. I will never let go of you."


"Okay, makikinig na ko. Please bitawan mo lang ako." Binitawan niya naman ako.



Umupo ako sa higaan tapos tumabi naman siya sa'kin.



Tinignan niya ako pero umiwas din, "Noong nakita kitang sinusundan ako noon papunta sa underground battle hindi planado 'yon. Nabigla ako nung nakita kitang sinusundan ako at hindi ko inakala na ikaw pa ang unang lumapit sa'kin. Pagkatapos ng gabing 'yon kinausap ko mga ka-grupo ko na lapitan ka para mapadali yung plano. No'ng nakita kita sa mall sinadya ko na puntahan ka sa coffee shop. Ang saya ko nung saktong nandoon rin pala si Thyro na sinusundan ka. Hindi ko inakala na bigla mo akong hahablutin at ipakilalang boyfriend mo sa harapan ng lalaking kinamumuhian ko." Tinignan ko siya kitang kita sa mga mata niya yung pagsisi at galit, "Pero nung nakasama kita at nakilala kita doon nagbago ang lahat. Kinausap ko sila na 'wag ng ituloy yung plano akala ko pumayag sila pero nagkamali ako. No'ng araw ng graduation kaya ako puro pasa at sugat noon ay dahil umalis na ako frat at sa underground battle dahil 'yon lang naman ang paraan para makaalis. 'Yon din ang araw na pumayag ka ng maging boyfriend mo ko, sobrang saya ko kasi totoong nagustuhan at minahal kita noon. Tapos nung araw ng pagkamatay ni Hailey tumawag sa'kin si Thyro na kinuha ka daw nila kaya pumunta ako agad sa hide-out para iligtas ka.." Napahinto siya sa pagsasalita.


"Tapos nakita mo ako na tumatakbo at nabunggo ka pa. Kinausap mo ako na para bang wala ka ng pakialam sa'kin." Sabi ko ng hindi tumitingin sa kanya.


"Ginawa ko 'yon dahil alam kong may alam ka na sa nangyayari. Nagalit ka sa'kin 'di ba?"


Tumayo ako at humarap sa kanya, "Oo nagalit ako sa'yo! Hindi dahil involve ka sa nangyari, kundi sa inasta mo sa'kin no'ng gabing 'yon! Kasi akala ko magpapaliwanag ka sa harapan ko at hihingi ka ng tawad," Dahan-dahan na nanghina yung boses ko, "pero walang nangyaring ganon." Yumuko ako dahil tumutulo na yung luhang kanina ko pa pinipigilan. Pinunasan ko yung mata ko gamit ang kamay ko.


"Mapapatawad mo ba ako?"



Sa sinabi niya ilang minuto akong natahimik sa tanong niya. Hindi ko kasi alam kung makakalimutan ko ba talaga yung mga pangyayaring nagawa nila sa'kin noon dahil gabi gabi lagi akong nanaginip sa nangyari. Bumabalik sa'kin lahat ng alaala kung paano nila ako sinaktan.



Tumayo ako at naglakad papunta sa pintuan, "Hindi ko alam." Lumabas ako ng kwarto.



Pagkatapos ng Pasko nag-book agad ako ng flight pabalik ng Batanes dahil nagkulang daw ng tao sa resort sa dami ng mga turistang dumadating. Pumayag naman si Papa na umalis na ako agad. Ayoko rin naman mag-stay pa.

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon