JACKIE'S POV
Habang kumakanta ako may pumasok na lalaki. Si Kiko kasama niya mga barkada niya. Ngayon ko lang siya nakita na pumunta dito. Sinusundan niya ba ako? Kasi kanina parang may balak siya sumama sa akin dito noong kinukulit niya ako e. Buti na lang last song na itong kinakanta ko.
Bumababa na ako ng stage ng sinalubong ako ng manager namin, "Ang lakas ng kita natin kapag gig mo!"
"Hehehe maganda e. " Lokong sabi ko.
Natawa naman siya, "Sige umorder ka ng gusto mong kainin at libre ka naman dito." Nagpasalamat ako sa kanya at pumunta na sa locker room para kuhanin ang gamit ko. Pagkakuha ko ng gamit ko humanap ako ng mauupuan para makakain na ako kasi gutom na gutom na ako.
Nasa lamesa na ang inorder ko ng nakita ko si Kiko papunta sa pwesto ko. Sabi ko na nga ba e ako ang rason kung bakit nandito siya. Nag-scoop ako ng sisig at isususbo ko sana pero bigla niyang inagaw iyong kutsara at siya ang sumubo.
Inabot niya sa akin iyong kutsara, "Sarap ng sisig dito ha."
"Bakit ba ang epal mo? At sa tingin mo ba gagamitin ko pa 'tong kutsara pinagkainan mo?" Kinuha niya ulit iyong kutsara ko at nilagyan ng sisig, "'Wag mo sabihing kakainin mo na naman—" Sinubo niya sa akin 'yong kutsara.
"Dami pang satsat e, alam kong gutom ka na kaya kainin mo na 'yan." Nginuya ko iyong sisig. Umupo naman siya sa harapan ko, "Alam mo bang ginugulo ng ex mo ang buhay kong tahimik?"
"Ano pakialam ko?" Inirapan ko siya at sumubo ulit ng sisig gamit yung kutsara. Mandidiri pa ba ako e sinubo niya na sa'kin. -__-
"May pakialam ka dahil ikaw ang nagsimula kung bakit ginugulo niya ang buhay ko ngayon."
Lumakas iyong tugtog kaya nagkunyari akong hindi siya narinig, "Ano?! Hindi kita narinig!"
Tumabi siya sa akin at nilapit ang mukha niya sa tainga ko, "Ang sabi ko ikaw ang nagsimula kung bakit ginugulo ng ex mo ang buhay ko ngayon."
Umusod ako palayo sa kanya, "Anong ako?! 'Di ba magkakilala na kayo bago ko pa gawin iyon?!"
Lumapit ulit siya, "Kaya nga may kasalanan ka pa rin." Shet! Wala na akong mailalayo pa, mahuhulog na kaya ako!
Tumayo ako at lumipat sa tapat niya, "Ano ba kasing gusto mong gawin ko?"
"I want you to have a date with me." Ano daw?!
"Ano?! Hindi kita marinig!!" Date daw?! Date niya mukha niya.
"I want you to have a date with me!!" Sigaw niya.
"Alam mo hindi talaga kita marinig! Aalis na lang ako dahil kailangan ko na rin umuwi." Inayos ko ang gamit ko at umalis na doon.
Lumabas ako ng bar at nagsimula ng maglakad. Feeling niya talaga papayag ako na makipag-date sa kanya. Duh, asa siya.
Nagulat ako dahil may bumusina sa likod ko, "Sakay na!" Hindi ko siya pinansin. Pinagpatuloy ko ang paglalakad ko. Nasa tabi ko na pala 'yung sasakyan niya, "Hindi ka ligtas dito kaya sumakay ka na."
Humarap ako sa kanya, "Paanong hindi ako maliligtas dito e tuwing gig ko naglalakad ako dito pauwi." Saka paano ako sasabay sa kanya punong puno na sasakyan niya dahil sa mga barkada niya.
Bumaba siya sa sasakyan niya, "P're ikaw na bahala dyan ha." Tumango iyong kaibigan niya at umalis kasama ang sasakyan niya, "Ayaw mo sumabay edi ako ang sasabay sa 'yo."
BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.