JACKIE'S POV
I am really shocked kung sino ang kaharap ko ngayon. It's Kenneth wearing sunglasses and waving his hand at my face kasi kanina pa ako nakatulala.
"Hey! Are you my tour guide? 'Coz my name is written on the paper you're holding." Tinignan ko yung papel kung may nakasulat nga ba na pangalan niya. Tama nga ako nandoon ang pangalan niya.
Bakit hindi ko napansin kanina?! Eh kasi naman pinagmamadali nila ako lalo na si Kuya Greg nung inabot niya sa'kin 'tong papel kaya nawalan ako ng panahon kung ano ang nakalagay basta kinuha ko na lang at nagmadaling pumunta ng airport.
"Siguro nga." Hindi pa rin ako makatingin sa kanya.
"Let's go?" Eh bakit ba nage-english 'tong lalaking 'to?
"Ang unang pupuntahan po natin ngayon yung resort para maayos niyo na po yung mga gamit niyo doon."
"Okay. I'll just call someone to get my car." Ngumiti ako at nagsimula ng maglakad papalabas ng airport.
Tahimik kaming nakasakay sa loob ng van kung hindi pa nagsalita si Kuya Greg baka mamatay na kami sa sobrang tahimik.
"Ehem... Parang pamilyar ho kayo ser, lumabas na ho ba kayo sa tv? Para kasing doon kita nakita eh."
Napahawak ako sa ulo ako at tumingin sa gilid ko. Jusko naman Kuya Greg binanggit mo pa 'yang tv na 'yan.
"Yeah. I had an interview before Christmas."
"Ay tama nga! Ikaw yung presidente ng DJP Channel! Anak ng tinapa! Ipapalabas niyo po ba sa DarlaTV yung resort namin?! Jackpot yun ser kapag nagkataon!"
"Kuya Greg malapit na po ba tayo?" Tanong ko para maiba yung usapan nila.
"Nako Jackie hindi ka pa rin ba sanay sa kalayuan ng resort natin? Ay ser nakilala niyo na ho ba kami? Ako ho si Greg at ito naman ang partner ko na si Jackie, step-father niya ho yung may-ari ng resort. Bago lang din dito si Jackie magsiyam na buwan pa lang dito 'to eh. Naalala ko pa nga nung unang buwan niya dito hindi ko nakikitang ngumingiti--" pinutol ko yung sasabihin niya.
"Kuya Greg..." Matigas na sabi ko.
"Ay sorry, nadala lang. Ilang araw ho ba ang stay niyo dito ser?"
"One week."
"One week ho? Edi hanggang bagong taon kayo dito ser? Jackie edi ikaw lang ang magtu-tour kay ser kasi naka-leave ako sa isang araw hanggang pagkatapos ng bagong taon."
"Kuya Greg naman! Bakit hindi mo agad sinabi para hindi ikaw yung kinuha na driver." Naasar na sabi ko.
"Eh biglaan nga daw 'tong pagpunta ni ser...." Tumingin siya sa mirror para tingnan siya.
"Kiko."
"Ni ser Kiko kaya ako yung kinuha ni Boss Phillip eh wala na daw available na driver kaya eto ako." Sumandal ako at huminga ng malalim.
"Bakit?!" Bulong ko. Bakit kailangan pang maging ganito ang sitwasyon?!
Pagkarating namin sa resort tinuro ko kay Kiko kung saan yung room niya. Hindi ko naman aakalain na sa pinaka-mahal na room siya. Kung sa bagay afford niya naman ang kahit anong bagay.
BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.
