15

107 7 3
                                    

JACKIE'S POV



Bakit kasi sa lahat pa ng babae siya pa! Si Princess pa na maganda, matalino tapos sikat noon. Syempre magkakagusto doon si Kenneth kasi nasa kanya na ang lahat. Pero nasaan na nga ba siya? Hindi ko na kasi siya nakikita eh. Mabait naman siya kaya lang may pagka-spoiled yon kaya na trauma na akong makabangga siya kasi nakuha niya yung gusto niya sa akin noon. Si Thyro.



Nag-text sa'kin si Kenneth na pumunta daw ako sa Dream Garden bukas. Jusko naman! Nilalayuan nga kita 'di ba? Bakit mo pa ako pinapapunta doon. Paano ko pipigilan 'tong nararamdaman ko kung makikita kita?! Si Thyro nga hindi ako naka-move on ng tatlong taon tapos ikaw pa na gusto ko lang!



Gusto ko nga lang ba siya? Grabe kasi ako maka-react eh! Sabi ko nga kay Kenji na natural lang na magkagusto ka sa tao. Pero bakit ngayon naguguluhan ako?!



Kinabukasan pumunta ako ng Dream Garden. Kaya eto ako ngayon binabatukan ko yung sarili ko sa pagpunta dito. Ang tanga tanga! Tapos pagkarating ko sa garden wala pa siya! Edi halatang gusto ko rin makipagkita sa kanya! Bakit kasi Princess lahat na lang ng taong magustuhan ko konektado pa sa'yo?! Bakit?!



Sinipa ko yung buhangin tapos may umubo sa harapan ko, "Maalikabok." Sabi niya.


"Wala akong paki!" Sinipa ko ng malakas at tumama sa tuhod niya yung paa ko kaya napatayo ako agad at nilapitan siya, "Sorry! Hindi ko talaga sinasadya!"


"Mapipilay yata ako." Sabi niya habang nakaluhod.


"Hindi pwede! Paano tayo magde-date ngayon kung pilay ka?! Ayoko ng may ka-date na pilay 'no!" JUSKO PO BAKIT KO SINABI NA DATE?! TANGA TANGA TALAGA JACKIE!


Naglakad ako palayo sa kanya kasi nahiya ako sa mga sinabi ko, "Bakit umaalis ka nanaman?" Rinig kong sabi niya.


"Umaalis ako kasi nahihiya ako sa sinabi ko duh!" Mahinang sabi ko.


Hinawakan niya yung balikat ko, "Mahilig ka talagang mag-walk out 'no? Bakit ba hindi mo ako kausapin ng maayos? Gusto kita at gusto mo ko anong problema mo?"


I need a reason to say something, "Eh kasi nga hindi ka nag tanong na manliligaw umamin ka lang na gusto mo ko tapos napaamin mo naman ako agad. Ang unfair." Ang lame ng reason mo Jackie!


"Ligaw lang pala. Sus, edi liligawan kita. Expert kaya ako dyan."


Napakamot ako sa ulo ko, "Ewan ko sa'yo! Papasok na ko!"


"Hoy sabay na tayo!" Sigaw niya at sinundan ako.


---


Nasa dance class ako ngayon kasi ito ang pinili kong PE. Hindi ko nga rin alam kung bakit ko 'to pinili kasi napakabakla ng teacher at madaming arte.

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon