JACKIE'S POV
Hinatid ako ni Kiko sa bahay, "Kung may kailan ka tawagan mo lang ako dahil pupuntahan kita agad."
"Pero may trabaho ka 'di ba?"
"Kahit na. Maiintindihan naman nila Papa." I bit my lip para pigilan tumulo 'yong mga luha ko, "Nasa loob na sila Tito Marco hinihintay ka na nila."
Tumango ako at naglakad na papasok sa loob ng bahay.
Pagkapasok ko sa loob niyakap nila agad ako, "Ano ginawa nila sa'yo?!" Galit na sabi ni Papa.
"Pa ayoko na po ng gulo."
Hinawakan niya ang magkabilang braso ko,"Jackie just say it! Ano ginawa sa'yo no'ng lalaking 'yon?!"
Yumuko ako, "Muntikan niya po akong..."
Sinuntok ni papa 'yong pader, "Wenna book me a flight to Batanes."
"Marco inaasikaso na ni Kiko lahat kaya hindi mo na kailangan pang pumunta do'n. Kumalma ka nga muna."
"Paano ako kakalma?! Kung hindi pa umalis 'tong anak ko baka kung ano na nangyari sa kanya! Papatayin ko 'yong lalaking 'yon!" Pumunta si papa sa kwarto nila kaya sinundan namin siya ni Tita Wenna.
"I'm going to Batanes." Hinawakan ko 'yong kamay niya, "Hindi niyo ko mapipigilan."
"Pa please hayaan niyo na po 'yong mga pulis."
Humarap siya sa'kin, "Paano ko hahayaan kung muntikan ka na niya magalaw!"
Hinawakan naman ni Tita Wenna 'yong kamay ko, "Ano pa ba ang ginawa niya sa'yo?"
Nanginginig akong nagsalita, "Pinagbantaan niya ko na papatayin niya daw tayo kapag may pinagsabihan ako tungkol doon."
Kinuyom ni papa 'yong kamay niya, "Edi magkapatayan kaming dalawa." Umalis na siya sa loob ng kwarto kaya mabilis namin siyang sinundan ni Tita.
Hinawakan ni Tita si Papa, "Marco ano ba! 'Wag kang gagawa ng bagay na pagsisihan mo!" Nagmakaawa si Tita, "Please 'wag kang pupunta doon ng galit! Kumalma ka muna! Kapag kalmado ka na saka kami papayag na pumunta ka doon."
Huminga ng malalim si Papa at huminahon, "Book me a flight tomorrow."
"Oo basta huminahon ka." Hinamas ni Tita 'yong braso niya.
Lumapit naman sa'kin si Papa, "Sorry sa lahat anak. Kasalanan ko kung bakit nangyari sa'yo 'to."
"Wala pong may kasalanan." Naiiyak na sabi ko.
BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.