JACKIE'S POV
Naglakad na lang ako palayo sa lugar kung nasaan siya. Wala naman kasi talaga akong pakialam kung hindi siya maniwala sa akin. Pero magkaibigan naman kami 'di ba? Dapat ako ang paniwalaan niya.
Hindi ko namalayan na napunta na pala ako sa place kung saan kami lagi ni Thyro. Nakita ko siyang nakaupo sa swing. Nilapitan ko siya, "Loner ka dito ah." Sabi ko.
"Matagal na akong nag-iisa simula noong iniwan kita." Para bigla akong binuhasan ng malamig na tubig doon sa sinabi niya.
"Please bitawan mo na 'ko." Naiiyak na sabi ko sa kanya.
"Hindi ko kaya at hinding hindi ko gagawin yon." Lumuhod siya sa harapan ko tapos hinawakan niya yung kamay ko, "I will never let go of you."
Hinila ko yung kamay ko na hinawakan niya, "Please." Tumulo ang luha kaya tinakpan ko agad yung mukha ko kasi alam kong sunod sunod na yung pagpatak ng mga luha ko.
"Mahal mo ba siya?" Tiningnan ko siya. Hindi siya nakatingin sa akin, "Mahal mo ba siya?" Ulit niya at tiningnan niya ako sa mata.
Iniwas ko yung tingin ko sa kanya, "So-sobra ko siyang mahal."
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko, "Hindi ako titigil hanggat sinabi mo sakin na mahal mo siya ng totoo. Kilala kita Jackie hindi mo kayang magsinungaling." Tumayo siya at lumuhod sa harapan ko, "Please Jackie kahit magalit ka sa akin buong buhay ko huwag mo lang patulan si Kiko. Please."
"Nangyari na ang nangyari Thyro. Please tigilan mo na kami." Hinila ko yung kamay ko at tumingin sa mata niya na nagmamakaawa.
Umiling siya, "Hindi pwede. Masama siyang tao at hindi mo siya kilala."
"Alam kong masama siya pero mapipigilan ko ba ang nararamdaman ko para sa kanya?"
Tumayo siya at tumalikod, "Kung yan ang gusto mo. Sige pababayaan na kita. Pero tandaan mo kapag sinaktan ka ng t-nginang Kiko na yon magkakamatayan kaming dalawa." Naglakad na siya palayo. Nagulat ako sa mga sinabi niya dahil hindi naman siya nagmumura at nagsasalita ng ganon.
Humagulgol ako nung hindi ko na siya natatanaw. Hindi ako makahinga dahil sa pagiyak ko. Hinanap ko yung inhaler ko sa bag ko pero hindi ko makita. May lalaking lumuhod sa harapan ko at niyugyog ako, "Sh-t Jackie. What do you need?!"
Tinuro ko yung bag ko, "I-inha-haler."
Nilabas niya lahat ng nakalagay sa loob ng bag ko tapos nung nakita niya na yung inhaler binigay niya agad sa akin. Akala ko hindi na ako ulit makakahinga. Mabuti na lang dumating si Kiko.
---
Pumasok ako sa loob ng classroom namin ng tahimik. Hindi naman kasi ako friendly kaya wala akong kilala sa lahat ng subjects ko kasi sila Dimitri lang talaga ang mga kaibigan ko. Nakakabigla lang ngayon dahil may lumalapit sa akin at nagha-hi, hindi ko alam kung anong nangyayari sa mundo pero nakakapanibago talaga.
May katabi ako sa upuan nakakausap ko lang siya kapag may itatanong ako tungkol sa pinag-aralan namin pero ngayon nakikipag-kwentuhan na siya sa akin. Ang weird. Nang matapos yung klase nagpaalam sila sa akin at ako naman awkward na nag-paalam din sa kanila. Napapailing na lang ako sa mga nangyayari ngayon.
Mamaya pang hapon yung next subject ko kaya tumambay muna ako sa garden ng school at nakinig ng music. Tinitingnan ko yung mga taong napapadaan sa harapan ko at naglalakad sa malayo, lahat sila masaya.
BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.