3

85 6 3
                                    

JACKIE'S POV



He's in front of me looking exhausted. Nakikita ko yung sakit sa mga mata niya na nakatitig sa'kin. Nasa likod niya ay isang babae na nakita ko lang kanina sa mall. Siguro totoo nga yung balita.



Umiwas ako ng tingin at nagsimula ng maglakad palayo sa kanila. Act like you don't care, Jackie. You can do it konting hakbang lang malapit na yung bahay niyo at doon mo ibuhos lahat ng iyak mo basta 'wag lang dito sa labas kung saan nakikita ka niya.



Nung nakauwi na ako napaupo agad ako sa couch kasi nanghihina yung tuhod ko na kanina pa gustong bumigay. Naalala ko na naman yung mga pananakit na ginawa nila sa'kin. Ayoko ng makaalala pa.



May nag-doorbell kaya inayos ko yung sarili ko at nilabas kung sino iyon.


"Jackie bakit hindi mo sinabi na nandito ka na pala sa Manila?" Bungad niya sa'kin.


Ngumiti ako ng peke, "Edi surprise."


Niyakap niya ako, "Buti na lang pumunta ka sa party nila Mama kasi kung hindi baka hindi kita makita ngayon." Hinawakan niya yung magkabilang balikat ko, "Ayos ka lang ba ha?"


He's still the same Kenjie na maalahanin, "Ayos lang ako 'no. Balita ko na accelerate ka kaya graduating ka na this year."


"Don't mind my life. Sa'yo ako nag-aalala ngayon. Pumunta ako dito kila Tito Marco at tinanong kung nasaan ka pero ayaw nila sabihin sa'kin pati si Kuya ayaw rin magsalita tungkol sa nangyari sa inyo kahit kinukulit ko siya araw araw."


"'Wag mo na alamin. At least nandito na ko 'di ba?"


"Sabi nila Tito hanggang pasko ka lang daw dito."


I nodded, "May trabaho na kasi ako, Kenji. 'Yon kasi ang priority ko ngayon."


Bigla niyang hinawakan yung kamay ko, "Ano ba talaga ang nangyari? Please tell me."


Iniwas ko yung tingin ko sa kanya, "Ayoko ng alalahanin pa 'yon. Gusto ko na rin kasi makalimot."


"Tell me and I will punch my brother just for you."


"'Wag, ayoko na ng gulo. Umalis ka na, kailangan ko na rin kasi magpahinga."


"Kapag nalaman ko yung totoo nangyari I will make sure that my brother will pay for it." Naglakad na siya palayo.


---



Christmas eve is the best part of celebrating Jesus' birthday. Kasi ito ang araw na magsasama ang buong pamilya na kumain ng hapunan. Pero ngayon I don't think my family will be complete again.

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon