20 -- End of 1st half

114 8 4
                                    

KIKO'S POV



This is wrong. Dapat hindi ko siya iniwan doon. Pero ano bang magagawa ko kung critical ang kondisyon ni Hailey?



Pagpasok ko sa hospital room nakapalibot doon yung magulang niya, "Time of death 9:37 pm." Tapos tinikpan ng kumot yung buong katawan niya.



Bigla akong nanghina sa narinig ko. Yung kaba ko napalitan ng lungkot. Parang huminto yung tibok ng puso ko nung narinig ko 'yung sinabi ng doctor. Nabunggo ako ni Alex nung papalabas siya ng kwarto.



Lumapit sa'kin yung nanay ni Hailey at inalalayan ako, "Tama na anak. Nasa magandang kalagayan na siya. Hindi na siya mahihirapan pang lumaban para mabuhay pa."


"Nagpapasalamat na lang po ako na nabuhay siya at nakayanan niyang lumaban ng dalawang taon." Mahinang sabi ko.


Pinunta na sa morgue yung katawan niya habang ako nandito pa rin sa loob ng kwarto niya inaalala ko yung mga panahon na kasama ko siya.


Tumunog yung telepono ko at nagtaka ako kung bakit ako tinatawagan ng siraulo na 'to. Sinagot ko yung tawag, "Si Jackie! Kinuha nila Alex! Tang-na mo! Kasalanan mo 'to!" Tapos bigla niyang pinatay yung tawag.


Nagmadali akong umalis sa lugar na 'yon. Tinuloy nila yung plano ko.



JACKIE'S POV



Nakatakip yung mata ko kaya hindi ko alam kung nasaan ako, hindi ko magalaw yung paa at kamay ko dahil may nakatali. Sobrang bilis ng tibok ng puso ko sa kaba. Hindi rin ako makapag salita dahil may nakatakip sa bibig ko.



"Tagal ng syota mo." Rinig kong sabi ng lalaki.


"Eh baka naman iba na syota niyan." Ibang boses naman.


May humawak sa pisngi ko, "Siguro ito ang rason kung bakit umalis na sa grupo si Phantom."



Phantom? Parang narinig ko na yan. Hindi ako makapag-isip ng maayos dahil gusto kong kumawala sa lugar na 'to.



"Pumunta siya sa hospital kanina at mukhang napuruhan natin kahapon kasi magang maga yung mukha." Ayokong isipin na siya yon... Pero siya lang ang lumalabas sa utak ko.


"Magpasalamat na lang tayo sa kanya dahil idea niya 'to." Hinila nila yung buhok ko, "Dahil kasi sa tarantado mong syota ayan natuluyan na yung kaibigan namin. Kung hindi ka lang niya sinusundan noon edi sana walang nasagasaan."


"Pero 'wag ka mag-alala pakakawalan ka naman namin eh kapag nakapunta na dito si Thyro."


Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon