8

85 6 2
                                    

JACKIE'S POV



Tinawagan ko sila Papa na uuwi na ako ng Manila. Hindi alam nila Mama dahil ayokong malaman nila, gusto ko na rin kasing lumayo dito. Mukhang maayos naman si Jarine kaya alam kong hindi niya na ako kailangan.



May kumatok sa pintuan kaya agad kong tinago yung bag ko sa ilalim ng higaan ko. Pumasok si Tito Phillip sa kwarto ko. Unang beses niyang pumasok sa kwarto ko kaya kinabahan ako bigla lalo na no'ng sinara niya 'yong pintuan.


"Ano ho ang kailang niyo?" Tumayo sa pagkakaupo sa higaan.


"Gusto ko lang humingi ng paumanhin sa inasal ko kahapon at nitong nakaraang na buwan." Luampit siya sa'kin tapos hinaplos niya 'yong braso ko kaya lumayo ako agad sa kanya pero lumalapit pa rin siya sa'kin, "Matagal ko ng gustong humingi ng tawad sa'yo pero tuwing gagawin ko 'yon galit agad ang nailalabas ko dahil sa..." Napahinto siya at tumitig sa labi ko. Nakita kong lumunok siya, "Ganda mo."


Pumunta ako sa pintuan para buksan pero napatigil ako sa sinabi niya, "Subukan mong lumabas ipapapatay ko 'yong tatay mo."


Hindi ako nakapagsalita sa pagbabanta niya kaya agad niyang nilapit ang sarili niya sa'kin at hinalikan ang leeg ko. Para akong nalulusaw dahil hindi ako makapalag sa ginagawa niya sa'kin. Kung saan saan niya ginala 'yong kamay niya sa katawan ko. Napakgat ako sa labi ko dahil pinipigilan ko humikbi.



No'ng tinataas niya na 'yong damit ko may kumatok sa pinatuan kaya napatigil siya, "Jackie may bisita ka sa baba." Rinig kong sabi ni Mama galing sa labas.


Lumayo agad siya sa'kin, "Si-sige po ma." Agad akong pumunta sa bathroom.


"Ayusin mo 'yang sarili mo baka may mahalata si Joanna." Rinig kong sabi niya tapos pagsara ng pintuan.


Napaupo ako sa sahig at umiyak. Tumayo ako at tiningnan 'yon sarili ko sa salamin. Pulang pula 'yong leeg ko at magulo ang ayos ng damit ko. Pinunasan ko ng tubig 'yong leeg ko ng paulit ulit. Nandidiri ako sa sarili ko.



Pagkalabas ko ng bathroom nakita ko si Kiko na nakaupo sa higaan ko.


Lumapit siya sa'kin, "Ano nangyari sa'yo? Nakita kong lumabas dito 'yong may-ari ng resort kaya pumasok ako agad ng kwarto mo. Ano nangyari sa leeg mo? Bakit namumula?"


Niyakap ko siya, "Paalisin mo na ko dito, please." Pagmamakaawa ko.


"Pinagtangkaan ka ba niya?" Matigas na sabi ni Kiko. Hindi ako sumagot, "P-tangina." Hinawakan niya ako sa braso at nilayo, "Dapat hindi na kita hiniwalayan para hindi ka napunta sa lugar 'to. Papatayin ko 'yon."


Akmang lalabas siya ng kwarto pero pinigilan ko siya, "'Wa-wag. Ba-basta paalisin mo na lang ako di-dito.." Nauutal na sabi ko. Dahan dahan akong naglakad papunta sa higaan ko at hinila sa ilalim 'yong bag na dadalhin ko.

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon