13

108 10 4
                                    

JACKIE'S POV



Nagising ako tapos natanaw ko yung bintana na madilim na sa labas. Gumaan na yung pakiramdam ko at mukhang hindi na namamaga yung pisngi ko, siguro nilagyan ni Kenneth ng gamot noong natutulog ako. Naalala ko nanaman 'yung sinabi niya sa akin habang natutulog ako. Tinakpan ko ng kumot yung mukha ko at ngumiti. Kinikilig ba ako sa sinabi niya?



May nagbukas ng pintuan kaya umupo ako agad tapos inayos ko yung buhok ko. Tiningnan ko kung sino yung pumasok, si Kenji lang pala.



May dala siyang pagkain, "Pinadala sa'kin ni Mama, umalis kasi si kuya."


"Salamat. Saan siya pumunta?" Tanong ko.


"Pumunta yata sa inyo kasi ipagpapaalam ka daw na isama sa outing namin sa weekend. Si mama kasi ang kulit kaya ayon napilitan si kuya na pumunta at ipagpaalam ka." Sabi niya sa'kin habang tingin ng tingin sa ibang direksyon.


"May sakit ka ba? Bakit hindi ka makatingin sa'kin?"


Tumingin siya sa'kin pero iniwas niya rin agad, "Kailangan ko ng mag-move on."


Natawa naman ako sa sinabi niya kaya tumayo ako tapos nilapitan siya, "Parang crush lang eh. Natural lang yon sa lahat ng tao. Ako nga crush kita kasi cute ka pero hanggang doon lang yon." Dahan dahan siya tumingin sa'kin tapos ngumiti, "Uyy kinilig ka 'no?" Tawa ako ng tawa sa itsura niya na namumula kaya pinisil ko yung magkabilang pisngi niya, "Ang cute cute mo talaga!"


"Ehem..." Napabitaw ako agad sa pagkurot ng pisngi ni Kenji, "Baka umasa yung kapatid ko niyan." Sabi ni Kenneth.


"Kaasa-asa naman kasi ang kagandahan ko." Sabi ko.


"Alam mo Ken hindi ko alam kung bakit mo nagustuhan 'tong mahangin na babaeng 'to."


"She's nice and simple. That's why I like her and I know that you like her too." Sabi niya habang nakatingin sa'kin.


Natahimik naman kaming tatlo ng ilang minuto, "Ahm... Ken pumunta ka na nga sa kwarto mo at gawin mo na yung mga research mo."


Umalis si Kenji sa kwarto kaya natira kaming dalawa ni Kenneth sa loob, "A-ano.. Uuwi na ako gabi na rin kasi."


"Actually it's already 11 pm. Pinaalam na kita sa Tita mo sabi niya siya na daw bahala sa papa mo kaya dito ka na magpalipas ng gabi. Binigyan niya rin ako ng gamit mo para sa pagpasok mo bukas."


"Eh ano yung sinasabi ni Kenji na outing daw sa weekend?"


Napakamot si Kenneth sa batok niya, "Pinaalam ko na rin 'yon pumayag din si tita. Surprise sana ni Mama sa'yo 'yon eh."


Tumango na lang ako tapos umupo ako sa higaan, "Totoo ba?"


Umupo siya sa tabi ko, "Ang alin?"


"'Yung sinabi ng kapatid mo?" Bakit ko ba sinimulan 'tong topic na 'to?!


"'Yon ba? Bakit masama bang magustuhan ka?" Napalingon agad ako sa kanya tapos lumaki mata ko, "'Di ba sabi mo sa kapatid ko crush lang naman kaya natural yon sa lahat ng tao." Binuka ko yung bibig ko kasi may sasabihin sana ako pero walang lumalabas na boses. Shete naman oh! "Hindi ko talaga alam kung bakit kita nagustuhan basta ang alam ko bigla mo na lang akong napapangiti ng walang dahilan."


Napahawak ako sa comforter na inuupuan ako, "Oh my god." 'Yon ang nasabi ko. Hindi ko rin alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig ko.


"This is my first time to confess my feelings to a girl I like." Nahihiyang sabi niya, "Ang daldal kasi nung kapatid ko eh. Tapos sa sobrang curious mo tinanong mo pa."


"A-akala ko may girlfriend ka? Si Hailey?"


Biglang nag-iba yung expression ng mukha niya, "She will never be my girl." Tumayo siya, "Matulog ka na."


"Ha? May sasabihin pa ako sa'y-"


"Matutulog na ako." Lumabas na siya ng kwarto. Did I say something wrong?


---



I'm trying to sleep pero ayaw talaga. Kasi naman nakatulog ako kanina kaya nahihirapan akong matulog ngayon. Lumabas ako ng kwarto at nakita ko na nakabukas ng konti yung pintuan ng kwarto ni Kenneth. Sumilip ako sa kwarto niya tapos may nakita akong tatlong picture frame na iisang babae lang ang laman.



Nilayo ko agad yung sarili ko sa pintuan tapos tumakbo papunta sa loob ng kwarto. Nanginginig ako sa 'di malamang dahilan.



May kumatok sa kwarto kaya pinagbuksan ko naman agad, "Are you okay?" Tanong sa'kin ni Kenji. Nung tinanong niya 'yon parang kusang umiling yung ulo ko tapos umiyak na lang ako bigla.


"Kilala ko yung babae." I said while sobbing, "Siya ang rason kung bakit ako nilalayuan ni Thyro. Siya rin yung laging nakikita ko noon na kasama niya and I hate her for being like that."


Niyakap ako ni Kenji at bumulong, "You like him."


Lumayo ako sa kanya tapos tumango, "Pero kailangan ko 'tong pigilan dahil ayoko nang ma-involve ulit sa taong konektado sa babaeng 'yon." Inayos ko yung gamit ko, "Pwede mo ba akong ihatid sa'min?" Tumango siya.


---



Nakahiga ako sa kama ko buong araw. Hinatid ako agad ni Kenji kagabi at sabi niya siya na daw bahala kay Kenneth.



Ang sakit isipin na nagkakagusto ako sa lalaking involve na naman sa buhay ni Princess. Hindi ko na kayang maulit pa yung nangyari dati. Kung ano-ano yung ginawa niya para lang maghiwalay kami ni Thyro. She was the Queen Bee in our school. Nakukuha niya lahat ng gusto niya pero noong naging boyfriend ko na si Thyro doon siya na-challenge at ginawa niya ang lahat para maghiwalay kami. Nanalo naman siya kasi nakipaghiwalay sa'kin si Thyro. After that wala na akong nabalitaan kung naging sila ba or what.



Hindi ko alam kung paano ko kakausapin si Kenneth kapag nakita ko siya kasi gusto ko na siyang iwasan.


***********

VOTE AND COMMENT POOOO :)

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon