JACKIE'S POV
Kinabukasan maaga kaming ginising. Lahat sila nagmamadali pumasok sa washroom. Tatlo kasi 'yong washroom pero nasa 35 na tao ang nasa loob ng kwarto kaya matatagalan din.
May humawak sa kamay ko habang nakapila ako. Si Carlo lang pala, "Sa iba tayo maliligo." Hinila niya ako palabas.
Pumasok kami sa kabilang headquarters na walang tao sa loob, "Si Dad ang nag-recommend na dito tayo maligo dahil sa kondisyon mo."
"Hindi ba parang ang unfair naman sa mga kasama natin?"
"Who cares? Saka they treat me like a king because my father owns an airline na pwede silang i-recruit."
"Eh ikaw? Gusto mo ba 'to?" Nagulat siya sa tanong ko, "Kasi natatandaan ko you want to be a chef."
Iniwas niya 'yong tingin niya sa'kin, "I can be a chef inside an airplane."
"If that's what you want. By the way namimiss ko na 'yong bake mo sa'kin na brownies."
"I'm not baking anymore."
"Bakit? The best kaya 'yon saka ikaw kaya nagturo sa'kin mag-bake 'di ba? At dahil sa pag-bake na 'yon muntik na akong makapatay." Natatawang sabi ko.
"What the heck? Are you serious? Nakasunog ka ba?"
"Hindi 'no! Hindi ko kasi alam na allergic sa nuts 'yong pinagbigyan ko." Natatawang sabi ko. Kasi naman naalala ko 'yong mga nangyari no'ng araw na 'yon. 'Yong regalo ko kaya? Madami na kayang pictures doon?
"Alam mo maligo na lang tayo baka kasi mahuli pa tayo at mapagalitan pa." Pumasok na siya sa washroom.
---
JUSKO! Feeling ko mamatay na ako sa training na 'to! Ang daming pag-aaralan na salita tapos ang daming kakabisaduhin na safeties sa airplaine! First day pa 'to ha! Paano pa kaya sa susunod na tatlong linggo?!
Madami akong kasamahan na umiiyak dahil napagalitan sila no'ng trainer kanina buti na lang ako mailap kapag tumatakas ako magpapahinga.
Dinner time namin ngayon at kanina pa ako gutom na gutom dahil 'yong kinain namin kanina parang nasusuka ako sa lasa. Sana naman ngayon masarap na at pwede ng pagtiyagaan kainin.
Tumabi sa'kin si Carlo dala dala ang dalawang plate tapos inabot niya sa'kin 'yong isa, "Para sa'yo."
May mashed potato at vegetable salad. Kulang 'to sa'kin, "Salamat."
"Mukhang pagod na pagod ka ah." Nag-poker face lang ako sa kanya, "Pagkatapos nito magrereklamo ako kay Dad."
BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.