JACKIE'S POV
Tatlong araw kaming hindi nag-usap ni Kenneth dahil sa nangyari noong gabi na yon. Maaga akong nagising ngayon kasi ngayon yung outing na sinet ni Tita noong natulog ako sa kanila. Ayoko naman humindi sa kanila kasi ang bait bait nila sa'kin. Naka-ready na yung gamit ko, pag aayos ko na lang sa itsura ko ang kulang. Noong nakapag ayos na ako nagsuot ako ng black na sando, shorts and polo na white.
Tinawag ako ni Wenna na bumaba na daw ako kasi nandoon na daw sila Tita. Pagbaba ko nakita ko si Papa na kausap si tita, "Boss! Long time no see!" Sabi ni Tita.
"Oo nga, it's been 20 years? At walang nagbago sa'yo."
"Oo nga po eh. Hindi ko aakalain ma magkakilala pa yung anak natin. Nasa sasakyan kasi yung dalawa kong anak ayaw bumaba kaya ako na lang yung bumaba para sunduin si Jackie." Tumingin sa'kin si Tita, "Nandyan na pala siya eh."
"You can go now, pinaalam na siya sa'kin ni Wenna."
"Kapatid niya?" Tanong ni Tita kaya napakapit ako sa kanya.
"Tita tara na po. Baka po kasi traffic--"
"No step-mom niya." Sagot ni Papa.
"Really?! Nice meeting you Wenna!" Bumusina yung sasakyan sa labas, "Kailangan na yata talaga naming umalis. Salamat sa pagpayag kay Jackie." Tumango naman si Papa.
Van ang sinasakyan namin, nakaupo ako sa pangalawang row katabi ko si Kenji tapos si Kenneth naman nasa harapan namin. Hindi kami nagpapansinan dahil sa nangyari kagabi, masakit pa rin kasi lalo na nung hindi niya man lang ako sinundan at hinayaan niya akong umalis.
Kanina pa nga ako inaasar si Ken kaya ngayon puro bugbog siya sa'kin, "Isa pang asar sasapakin na kita ng sobrang lakas." Banta ko sa kanya. Comfortable naman na akong andyan sila Tita kasi madalas ko silang nakakasama.
"Pwede kiss na lang?" Sabi niya.
"Ano--"
"Okay that's it!" Tumayo si Kenneth, "Magpalit tayo ng upuan." Sabi niya habang nakatingin kay Kenji.
"Kuya naman nag-eenjoy akong kausap si Jackie!"
Nakisingit naman si Tira sa usapan nila, "Pagbigyan mo na yang Kuya mo Kenji at nagseselos lang yan." Kenji frowned at padabog na pumunta sa harapan.
Ako naman ngayon yung katabi ng bintana at si Kenneth yung nasa kabila. Ilang oras kaming tahimik sa biyahe. Mas enjoy pa katabi si Kenji keysa sa lalaking 'to eh.
Naglaro ako sa cellphone ko kaya lang nahilo agad ako kaya hininto ko. Inagaw ko yung earphones ni Kenneth kaya napadilat siya . Nung pinasak ko yung earphones niya sa tenga ko wala namang kanta. Kaya tiningnan niya ako ng masama.
BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.