6

140 10 5
                                    

JACKIE'S POV



After nakailang mga kanta last song ko na ngayon, "Hi guys. Kamusta naman ang araw niyo?" Tanong ko sa mga tao dito sa bar.


"Buo na kasi nakita ka namin!" Sigaw ng mga lalaki sa iisang table.


Napatawa naman ako, "Ganon ba. Ako rin nabuo niyo na araw ko." Naghiyawan sila at ako naman natuwa kasi nakornihan ako sa sarili ko, "Kakantahin ko ngayon ay para sa mga taong kaka-break lang at na-realized na hindi pala sila ang masasabi nating perfect two." Ngumiti ako at nag simula na tumugtog.



"'Cause you're the one that makes me cry

You would never ever save me

All your words are full of lies

You're not the one I wanna marry

'Cause baby can't you see

We're just a fantasy."


Habang kumakanta ako nakita ko si Thyro sa isang table na may kasamang babae at nagtatawanan pa silang dalawa. Paano niya nalaman na may trabaho ako dito? Mas lalo kong kinagulat nung bigla niyang halikan yung babae sa leeg. Napapikit ako sa nakita ko.



"There's nothing we can do

We're not the perfect two

We're not the perfect two

We're not the perfect two

Baby me and you

We're not the perfect two."



Nagmadali akong bumaba ng stage pagkatapos ng kanta. Pumunta ako agad sa manager namin tapos nagpaalam na. Nagmadali akong kinuha yung mga gamit ko tapos umalis na sa lugar na yon.



Tinatawagan ko si Kiko pero hindi niya ako sinasagot. Naalala ko na may laban nga pala siya ngayon. Nagmadali na lang akong maglakad palayo sa lugar na yon. Nagulat na lang ako ng may humawak sa braso ko, "Why are you running away? 'Di ba ikaw ang may gusto nito?"


Tumingin ako sa likod niya nakasunod sa kanya yung babae, "I have no time for this Thyro." Tinatanggal ko yung pagkahawak niya sa akin pero mahigpit ang pagkakahawak niya sa akin.


"What the f-ck is wrong with you?! Sabi mo bitawan kita pero makita mo lang akong may kasamang babae umiiyak ka na?" Lasing na siya.


"Hindi ikaw ang rason kung bakit ako umiiyak! Kaya please let go of me!" Sigaw ko.


Binitawan niya ako, "T-ngina pinaiyak ka ba niya?!"


"Hindi niya ako pinapaiyak. Aalis na ako." Naglakad ako palayo sa kanya.


May biglang yumakap sa likod ko, "I love you so much, Jackie. I can't let go." Naramdaman ko na basa na yung balikat ko.

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon