JACKIE'S POV
Natatandaan ko 'tong building na 'to. Dito 'yong condo niya.
Nilapitan ko si si Manong Jerry, "Manong pwede po bang ihatid niyo ko pauwi?" Hinawakan ko 'yong mga kamay ko dahil kinakabahan ako.
Tumango si Manong Jerry, "Sasabihin ko lang kay Sir."
Pinigilan ko siya, "'Wag na po--"
"Walang uuwi." Lumingon ako sa nagsalita. Nakasandal siya sa pintuan ng kotse niya, "Hindi ka uuwi at ikaw Manong magpahinga na ho kayo ako na ho ang bahala sa kanya." Hinila niya ako papasok sa loob ng building.
Umupo ako sa couch habang siya naman pumasok sa loob ng kwarto niya. Hindi ko alam kung bakit ako kinakabahan. Kasi iba 'to nakainom siya ng alak baka mamaya may biglang may magawa sa'kin na hindi ko magustuhan.
No'ng nakalabas na siya sa kwarto napatayo ako, "Nasaan 'yong banyo?" Kinakabahan na sabi ko.
"Dito sa kwarto." Iniwas niya 'yong tingin niya. Basa 'yong buhok niya nag-iba na rin 'yong suot niya. Boxer shorts at sando na.
"Banyo lang ako." Dumaan ako sa gilid niya dahil nakatayo siya sa tapat ng pintuan ng kwarto.
Binilisan kong pumasok sa loob ng banyo no'ng lumagpas na ako sa kanya. No'ng nakapasok na ko para akong hinihingal dahil sa tibok ng puso ko. Bakit ba kasi ganon 'yong itsura niya?! Ang init dito sa loob ng banyo ha! Pinagpapawisan tuloy ako. Gusto ko ng umuwi dahil ayoko ng mag-stay dito na kasama siya.
No'ng lumabas na ako ng banyo nakasandal siya sa headboard ng kama niya habang nanunuod ng tv. Napapikit na lang ako at lumunok ng dalawang beses. Kaya mo 'yan Jackie.
Lumapit ako sa kanya tapos tinapik ko 'yong tuhod niya, "Gusto ko ng umuwi." Mahinang sabi ko.
Tiningnan niya ako pero umiwas din, "Dito ka na matulog, gabi na."
"Ayoko." Pinipigilan ko 'yong sarili ka na magsalita pa ng kung ano.
Nanliit 'yong mga mata niya, "Nasa Batanes naman sila Tito atsaka pinagkatiwala ka nila sa'kin."
BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.