18

91 7 2
                                    




Nilalaro ko lang ang carbonara na nakaharap sa akin. Para akong dinudurog dahil paulit ulit sa utak ko 'yong mga narinig ko kanina. Tiningnan ko ang lalaking nasa harapan ko. Paano siya nakakangiti? Nawalan siya ng anak pero nakakangiti pa siya ng ganito?


"Bakit ganyan ka makatingin? Is something wrong?"


Umiling ako. "Sumakit kasi bigla tiyan ko."


"Hindi ba masarap?"


"Hindi. Ang pait nga e." Mahinang sabi ko.


"Mapait?" Sumubo siya. "Hindi naman ah. May sakit ka ba?"


"Oo magkakasakit na yata ako." Tumayo ako at dinala ang pinagkainan ko sa lababo. Ilalagay ko na sana 'yong plato ng bigla niyang hinala 'yong kamay ko kaya nahulog ang plato at nabasag. "Ano ba Kiko?!"


"Narinig mo ba 'yong usapan namin ni Sofia?"


Umiwas ako at pinulot 'yong nabasag na plato sa sahig. "Hindi."


Hinila niya ako kaya naramdaman ko 'yong hiwa nung basag. "Narinig mo."


"OO NARINIG KO! Narinig ko na muntikan na kayong magka-anak! Ano masaya ka na?!" Tumulo 'yong dugo sa paa ko na nanggaling sa kamay ko.


"Matagal na 'yon at alam naming dalawa na hindi namin sinasadya. Saka kung nabuo man 'yong bata paninindigan ko naman 'yon."


"Uuwi na ko." Kinuha ko 'yong gamit ko at naglakad na palabas.


"Jackie!" Rinig kong tawag niya.


Para akong pinapatay sa bawat hakbang ko papalayo sa condo niya. Nakarating ako sa school ko dati at umupo sa ilalim ng puno.


"Kapag may nangyaring maganda sa 'yo asahan mo na may kasunod na kapalit." Rinig king sabi ng lalaki sa tabi ko. 'Yong lalaking kumausap sa akin noong dumaan kami ni Kenneth dito. "Nandito ka na naman. Dati noong nakita kita masaya ka pero ngayong nakita ulit kita malungkot ka naman."


"Siguro bipolar ako tuwing nakikita mo."


"Oh. May tumatakbo papalapit dito, boyfriend mo yata. Sige alis na ako, sana mapatawad mo na siya alam naman natin na nakaraan naman na 'yon." Nakangiti na sabi niya. "Paalam."



Sinundan niya ako. Nung nakalapit na siya sa akin hinawakan niya agad ang dalawang kamay ko at lumuhod sa harapan ko. "Please, Jackie. 'Wag mo naman gawin 'to sa akin."


"I need space, Kiko. Kaya please iwan mo muna ako."


"No." Nilapit niya ang mukha niya sa mukha ko at hinalikan ako. "Mahal na mahal kita, Jackie. Kaya sana naman pakinggan mo ako."


Tinulak ko siya. "Kiko naman. Kailangan kong mag-isip."


Hinalikan niya ako ulit. "Wala ng iisipin pa."

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon