We're going to meet our wedding organizer pero itong kasama ko parang siraulo, kanina pa ako pinagti-tripan.
"Baby, let's sleep together." Sabi niya habang nagda-drive siya at hawak niya ang isang kamay ko.
Hinala ko yung kamay ko at pinalo siya sa braso. "Hoy manahimik ka ha."
"Matutulog lang naman tayo. Unless you want to do something tiring..." Ngumiti siya kaya mas lalo akong naasar sa kanya. Tumingin na lang ako sa bintana. Tumawa siya tapos halikan niya ang kamay ko. "Ano ba iniisip mo? Ang iniisip ko kasi nag magluluto tayo ng mga pwedeng lutuin sa condo ko, 'di ba nakakapagod naman 'yon?"
"Isang pang-aasar pa Mister Padilla baka wala kang hintayin sa altar." Nawala naman 'yong ngiti niya sa sinabi ko. "O 'di ba natigil ka."
Hininto niya 'yong sasakyan. "Don't ever say that again, Jacqueline." Seryosong sabi niya tapos lumabas na at nauna na pumasok sa restaurant.
Hindi niya ako pinansin hanggang sa makarating na 'yong wedding organizer. Pati siya napansin na hindi kami okay. "Uhm. Gusto niyo po ba sa susunod na araw na lang natin 'to ituloy? Baka kasi...."
"Siguro nga. Sorry if nagulo pa namin schedule mo." Sabi ko naman.
"It's fine. Madami na rin akong na-encounter na ganito at kadalasan sa susunod na meeting hindi na natutuloy kasi wala ng kasal na mangyayari." Napatigil kami sa sinabi niya. "Oopps, sorry I didn't mean that. Sige aalis na ako at sana magkaayos na kayong dalawa." Ngumit siya tapos inayos niya na 'yong gamit niya at nagmadali ng umalis.
Tahimik kaming dalawa hanggang sa makarating kami sa tapat ng bahay. Hindi pa rin siya nagsasalita kahit na paalis na ako.
"Akala ko ba sa condo mo? Bakit nandito tayo sa bahay?" Hindi niya pa rin ako sinagot sa tanong ko. "Punta na tayo sa condo mo." Sinundot ko gamit ng kamay ko ang tagiliran ng bewang niya. "Bilis na." Malambing na sabi ko.
"Hindi nakakatuwa, Jackie." Sabi niya habang nagpipigil ng tawa. Hininto ko na ang pagkikiliti sa kanya tapos pinaandar na niya na agad 'yong sasakyan papunta sa condo niya habang nakangiti siya na parang nanalo sa lotto.
Habang nagluluto ako, kanina pa siya nakayakap sa akin tapos aamuyin ang leeg ko. Nung papalapit ulit siya sa akin humarap na ako sa kanya tapos hinarap ko sa mukha niya 'yong sandok na hawak ko.
"Subukan mong lumapit ulit papasuin kita."
"Eto naman hindi na malambing. Nagtatampo na nga ako kanina tapos ganito lang ayaw mo pa." Pumunta siya sa living room at nagkunwari na nagtatampo.
Inayos ko muna 'yong lamesa bago ako lumapit sa kanya. Tinabihan ko siya at niyakap ng mahigpit. Inamoy ko 'yong leeg niya at hinalikan. "Kain na tayo." Bulong ko sa kanya.
Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko. "Ikaw na lang kakainin ko." Nakangiti na sabi niya.
Bigla ko naman siyang naitulak palayo sa akin. "Sapakin kita dyan." Tawa naman siya ng tawa. Nakakabwisit.
Habang nasa loob ako ng banyo parang bigla akong kinabahan. Bigla kasing kung ano ano na pumapasok sa isipan ko. Please Jackie 'wag mo na ituloy 'yong iniisip mo baka mailang ka lang kay Kenneth mamaya kapag matutulog na kayo.
Huminga ako ng malalim tapos lumabas na ng banyo tapos pumasok naman si Kenneth. Lumabas muna ako ng kwarto at nanood kunwari ng T.V., pero wala akong naiintindihan sa pinapanood ko dahil ayaw matanggal sa isip ko 'yong mga posibilidad na pwedeng mangyari mamaya.
Sinampal ko ang sarili ko. Naramdaman ko naman na tumabi sa akin si Kenneth. "Bakit mo sinasaktan sarili mo?" Nagtataka na tanong niya.
"Inaantok na kasi ako, ayoko naman na tulugan ka kaya ginigising ko sarili ko." Sabi ko naman pero ang totoo gising na gising pa diwa ko.
Kinuha niya 'yong remote tapos pinatay 'yong T.V., hinawakan niya iyong kamay ko. "Let's sleep." Tumango naman ako at sinundan siya.
Agad ko naman binalot ang sarili ko sa comforter noon nakahiga na ako at saka pinatay itong lampshade sa tabi ko, "Good night!" Pinikit ko agad mga mata ko.
Niyakap ako ni Kenneth sa likod tapos hinalikan pisngi ko, "Are you nervous, babe?" Nang aakit na sabi niya.
"Layuan mo nga ako." Tinulak ko siya. "Kapag ako napikon, Kenneth."
"Bakit? Ano gagawin mo kapag napikon ka?" Bulong niya sa akin.
"Sisikuhin kita." Siniko ko siya sa tyan, kaya nakalayo na siya sa akin.
"Masakit!" Sigaw niya habang namimilipit sa sakit.
"Alam ko, kaya tigilan mo na ako sa mga kalokohan mo."
This is it, my day. Our day.
My Dad is crying while looking at me going down the stairs.
"'Pa huwag ka naman na umiyak, daig mo pa si Tita oh." Naiiyak na sabi ko din. Realization hits me. Hindi na ako uuwi sa bahay na ito pagkatapos ng araw na ito.
Nilibot ko ang paningin ko, too much memories. Pagrerebelde ko noon nangyari lahat sa bahay na ito.
"Lumabas na tayo, hinihintay na tayo nung driver. Baka akalain pa hindi ka sisipot sa kasal mo."
BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.