JACKIE'S POV
Noong nag-gabi na tinanong ako ni Kiko kung saan pinaka-magandang bar dito sa Batanes.
"Sir wala pong bar dito." Sabi ko.
"Sir mas masarap ho pakinggan ang tahimik na paligid o ang dalampasigan. Pero may alam ho ako ser! Kaya lang karaoke bar." Sabi ni Kuya Greg.
"It's okay. Let's just go back." Nakita ko siya sa salamin na sinandal yung ulo niya sa bintana.
"Sir 'wag kayong mag-alala bukas sa dagat tayo maglilibot. Kung gusto niyo ho mag-bonfire tayo nila Kuya Greg." Sabi ko.
I saw the enlighten on his face when I mentioned that, "Oo nga sir! Masaya 'yon! Lahat ng mga turista ginagawa 'yon. Pero kasi karamihan ng nililibot namin ni Jackie eh madami sila. Ikaw nga lang 'yong una na nag-iisa. Wala ho ba kayong girlfriend ser? 'Di ba hindi na uso ang single ngayon?" Napakagat ako sa labi ko sa mga tanong ni Kuya Greg, "Ay si Jackie pala single! Pero may manliligaw. Eh kayo ho ba ser wala kayong nililigawan?"
"Wala akong nililigawan dahil may girlfriend ako." Mas lalo kong diniinan yung pagkagat ng labi ko.
"Ganun ho ba. Eh bakit hindi niyo ho dinala dito sa Batanes para mas lalong ma-in love sa inyo!"
Tiningnan ko siya sa salamin. Nakatingin din pala siya don, "She can't. Long distance relationship."
"Sayang naman! Jackie baka gusto mong mag-apply kay Ser!" Pinalo ko si Kuya Greg sa braso kasi nagulat ako sa sinabi niya, "Joke lang! Eh kamusta na ba kayo ni Yan-yan? tagal ng nanliligaw sa'yo 'yon ah."
Tumingin ako sa gilid ko, "Wala na..." Yung lang ang nasabi ko. Nahalata siguro ni Kuya Greg na nagbago itsura ko kaya hindi niya na ako tinanong ulit.
Gabi na kaming nakauwi kaya pagkadating ko ng bahay humiga agad ako at pinikit yung mata ko.
"Mahal na mahal kita, Jackie." Sabi niya habang palayo siya ng palayo. Kinakaya kong abutin siya pero kahit anong gawin ko hindi ko talaga siya maabot.
Biglang may humarang sa pagitan naming dalawa na maraming lalaking nakaitim.
Hahawakan nila ko pero lumalayo ako sa kanila. Ramdam ko yung pawis na tumutulo sa buong katawan ko sa kaba. Noong nakalapit na sila......
Napatayo agad ako pagkagising ko. Nakatapat pala sa'kin yung sinag ng araw galing sa bintana ko kaya pala pinagpapawisan ako tapos hindi ko pa nabuksan yung aircon kagabi dahil sa pagod ko.
Naligo ako agad at inayos yung sarili ko. Pamunta ako ng kusina para mag-almusal.
![](https://img.wattpad.com/cover/35440796-288-k928181.jpg)
BINABASA MO ANG
Black Phantom
RomanceThis story is about a girl who almost lost everyone in her life when she met him. Published on 2015.