1st half -- 1

356 15 8
                                    

JACKIE'S POV






Naglalakad ako pauwi ng bahay kasi gumala ako buong hapon, gumawa kasi kami ng thesis ng mga groupmates ko. Habang naglalakad ako, may nakita akong lalaki papunta sa madilim na eskinita. Tiningnan ko siya ng mabuti at tama nga ang hinala ko na si Kiko iyong lalaki. Sikat kasi si Kiko sa batch namin dahil sa pagiging mabait at palangiti niya sa tao. Hindi naman kami close pero magkaklase kami sa History at Accounting naging groupmates din kami ng isang beses.






Dahil sa curiosity ko sinundan ko siya. Pumasok siya sa loob ng lumang building, "Bawal ang bata dito." Sabi ng lalaking malaki ang katawan sa'kin.



"Kuya nakita ko yung classmate ko na pumasok sa loob, ano ba meron sa loob?"



"Mapangani-" Hindi natuloy ni Kuya yung sinasabi niya dahil may tumawag sa kanya kaya pinuntahan niya ito at bumalik din agad, "Pwede ka na pumasok, pero may pera ka ba?"



"Limang piso?"



Napakamot siya sa ulo niya, "Okay na yan."



Pumasok ako at sobrang daming tao, lahat sila nakatayo at parang may pinapanood sila sa gitna, "Kanino pusta mo?" Tanong ng babae.



Nagulat ako sa kumausap sakin, "Ano pong pusta?"



"Magkalaban ngayon sina Black Phantom at Jock Roller, kanino ka?"



Nakisakay na lang ako sa trip ni ate, "Black Plantom na lang ate, pwede na ba yung limang piso?"


"Oo naman! Kahit piso lang itaya mo dito magkaka-one hundred ka na kapag nanalo yung pinustahan mo." Inabot ko sa kanya yung limang piso at inalam niya yung pangalan ko para bigyan ako ng papel hindi ko maintindihan kung para saan at saka siya umalis.






Nakisiksik ako sa mga tao dahil hindi ko makita kung ano yung pinapanuod nila. Napunta ako sa harapan, may isang lubid na naka-harang. Biglang may lumabas na lalaking malaki ang katawan sa gilid at nagsigawan na yung mga tao. Mas lalong lumakas ang sigaw ng pumunta na sa gitna yung lalaking nakamaskara-- SI KIKO SI BLACK PHANTOM?! Hindi naman ako tanga 'no! Natatakpan lang yung mata at ilong niya, at alam na alam ko na siya iyon dahil sa hugis pa lang ng mukha niya, obvious na. Walang ano-ano biglang sinuntok ng lalaking muscle si Kiko, WALA BANG REFEREE? Atsaka bakit nakikipag-away si Kiko?! Eto ba kinabubuhay niya?!



"AYY!!" Nabigla ako ng may nakahandusay na lalaki sa harapan ko at nakatayo si Kiko harap ko. Nakatingin siya sakin habang ako naman gulat na gulat sa mga pangyayari. SHET NANALO SI KIKO KAYA PANALO YUNG PUSTA KO! Pero hindi yon mahalaga! Si Kiko na mabait at palangiti nakikipag-away ng illegal?!






Noong natapos na iyong laban, nakuha ko na yung panalo ko. Nagka-five hundred pa ako sa limang piso ko dapat pala sampung piso para one thousand yung pera ko ngayon, sayang! Pero mali pa rin! Illegal 'to!






Noong nakita ko ng lumabas si Kiko hinila ko agad siya, "Close tayo?" Sabi niya sakin.



"Bakit ka nandito? 'Di ba illegal 'to?"



"E bakit ikaw tumaya ka? 'Di ba sugal 'yon?" Kiko.



"Tinanong kita kaya sagutin mo hindi yung tatanungin mo ako pabalik. Saka hindi kaya ako pinapapasok kanina tapos may tumawag lang sa bouncer pinapasok na agad ako."



"Ako ang nagpapasok sa iyo dahil nakita kitang sinusundan ako, 'di ko naman kasi inakala na may stalker pala ako." Ang kapal naman ng mukha niya.



Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon