7

157 10 5
                                    

JACKIE'S POV



Isang linggo na akong hindi kinakausap ni Kiko. Well hindi ko rin naman siya kinakausap kasi ayoko nung ako ang unang nagbababa ng pride. Nakikita ko naman siya sa classroom pero after nang class hindi ko na ulit siya nakikita kasi lagi siyang nagmamadaling umalis. Nagalit kaya siya pagyakap ko sa kanya? Eh yakap lang naman yon wala naman nawala sa kanya.



Isang linggo na rin akong kumakain mag-isa sa canteen. Madami namang kumakain mag isa dito pero iba pa rin talaga kapag may kasabay kang kumakain. Nakita ko sila Renna at Tom magkasama. Kumaway sila sa akin at naglakad papunta dapat sa akin pero biglang dumating si Dimitri kaya napatigil silang dalawa. Hindi ko alam kung ano problema sa akin ni Dimitri eh wala naman silang relasyon ni Kiko pero kung maka-react akala mo may nakaraan sila. Pinagpatuloy ko na lang yung pagkain ko dahil wala akong time sa inaasta sa'kin ni Dimitri.



Pagkatapos kong kumain umalis ako agad sa lugar na yon at naglakad-lakad sa campus. Hindi naman kasi masyadong mainit dito sa school dahil madaming puno. Habang naglalakad ako may tumamang bola sa ulo ko napamura ako ng mahina, "Pakiabot naman yung bola dito!" Sigaw ng lalaki.


Sinipa ko yung bola papunta sa kanya, "SORRY HA?!" Sigaw ko tapos naglakad na palayo.



May nagho-hoy sa akin pero hindi ako lumilingon. Tatandaan ko talaga yung mukha nung nangbato ng bola sa akin! Napaka-bastos!



"HOY!" Kinalabit niya ako sa balikat kaya nilingon ko na kung sino yung lalaking hoy ng hoy sa akin, "Yu-yung...... Shet bakit ang ganda mo?!"


Nagulat ako sa sinabi niya kaya napalo ko siya, "Siraulo ka ba?!" Pawis na pawis siya. Siya siguro yung nangbato sa akin.


Nakatulala siyang nakatingin sa akin, "Nasisiraan na nga yata ako."



Dahan dahan akong naglakad palayo sa kanya tapos tumakbo. Sira yata ulo no'n?! Napahinto ako sa pagtakbo kasi may nabunggo akong lalaki kaya napaupo tuloy ako sa lakas ng pagkabunggo ko sa kanya.



Tumingala ako pero hindi ko makita yung mukha niya dahil sa araw. Nilahad niya yung kamay niya sa harapan ko. I was about to held his hand pero bigla niya itong iniwas, "What the heck?!" Tumawa siya kaya tumayo ako at sinuntok siya sa braso, "Akala ko kung sino! Alam mo lagi mo na lang akong pinagti-tripan Kenneth!"


Napahinto siya sa pagtawa, "Sinabi mo ba yung pangalan ko?"


"Oo, bakit may iba ka pa bang pangalan?!"


"Hi-hindi naman."


"Ayaw mo bang tinatawag ng Kenneth? Eh kasi naman puro Kiko ang tawag sayo kaya naisipan ko noong HINDI MO AKO PINAPANSIN na sa susunod na mag-uusap tayo Kenneth na lang itatawag ko sayo pero kung ayaw mo naman Kik-"

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon