10

104 11 7
                                    

JACKIE'S POV



Hindi umuwi si Papa kagabi kaya umuwi na rin si Kenneth noong alas dose pasado na. Nandito ako ngayon sa mall para bumili ng regalo para kay Kenneth. Naglalakad lakad ako ng nakita ko si Kenneth na may kasamang babae. Don't tell me siya si Hailey? Mukha kasing nasa 30's na yung age nung babae eh. Pumapatol si Kenneth sa mas matanda sa kanya?



Tumingin siya sa gawi ko kaya agad akong umiwas ng tingin at nagkunyaring tumitingin sa mga damit sa tabi ko. Nararamdaman ko na papalapit siya sa akin kaya parang nanigas ako sa pwesto ko.



"Bakit hindi mo sinabing aalis ka pala ngayon? Sinamahan sana kita." Sabi niya sa akin.


"Biglaan kasi yung pagpunta ko dito. Ikaw ano ginagawa mo dito?"


"Kasama ko si Mama, namimili kasi siya ng damit."


Tinapik ko siya sa balikat, "Naks! Sinasamahan ang mama. Ang bait ah, hindi halata."


"Mabait ako since birth. Sama ka sa'kin pakilala kita kay mama." Hinila niya ako papunta sa mama niya, "Ma, si Jackie pala."


Tumingin sa akin yung mama niya na akala ko girlfriend niya, "Oh hi! Friends kayo?"


"Opo."


"Wow. Hindi ko naman aakalain na magkakaroon ulit ng kaibigang babae si Kiko ang akala ko kasi si Hail-"


"Ma ang daldal. Tapos ka na ba dyan?"


"Anak 'wag mo namang ilabas yung totoong kulay mo sa kaibigan mo."


Natawa ako sa sinabi ni Tita habang si Kenneth naman kumunot ang noo, "Ano po tita kailangan ko na pong umalis may bibilhin lang po kasi ako ngayon tapos uuwi na rin agad."


"Nagmamadali ka ba? Kakain pa naman kami ni Kiko kasi bir-"


Tumingin sa'kin si Kenneth, "Nagmamadali ka na 'di ba? Alis na baka kasi kung ano pa sabihin ng nanay ko sa'yo." Tinulak niya ako paalis doon. Nginitian ko na lang si Tita at umalis na. Kaasar talaga yung lalaking yon.


Nagikot ikot pa ako sa mall wala pa kasi akong nabibiling regalo. Hindi ko alam kung ano bibilhin ko. Ahhh!!! Alam ko na! :)


Pumunta ako ng national bookstore at naghanap ng scrap book.


---



Maaga akong nagising dahil kailangan kong mag-ayos para sa birthday ni Kenneth mamaya kahit na mukha akong zombie dahil late na akong natulog kagabi. Nagtext kasi sa akin si Yves na 10 am daw dapat nandoon na kami dahil tutulungan pa namin si Tita mag-ayos. Magbe-bake kasi ako ng cake kaya maaga akong gumising.

Black PhantomTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon